025: PINAKIRAMDAMAN ni Zira ang paligid. Masyadong tahimik iyon para kay Zira. Maliban sa tunog ng hangin na umiihip sa lugar ay tanging ang sarili niyang paghinga ang naririnig niya. “Ihip ng hangin?” takang tanong ni Zira nang may maalala. Mabilis na hinarap ni Zira kung saan banda niya narinig ang ihip ng hangin na iyon at agad na nagbanggit ng spell para pangharang sa kung ano mang paparating. Mabuti na lang at naging mabilis ang bawat kilos ni Zira. Katulad ng inaasahan niya ay isang air tornado attack ang muntik nang tumama sa likod niya. Kung nahuli lang siya ng isang segundo ay baka sa mukha pa siya natamaan ng atake na iyon ni Archiebal. Although he can’t see anyone, and see who was the attacker itself, Zira knows that it was Archiebal who send that attack. Sa lakas kasi ng i

