Chapter 36

2293 Words

"Congratulations, Mr. and Mrs. Del Rio, you're having a fraternal twin," nakangiting anunsiyo ni Dra. Suzette Torres, ang OB gynecologist na inirekomenda ni Addie sa kanila ni Luke. Nasa Metro Manila na sila nakatira ni Luke kaya hindi na si Dra. Velasco ang OB niya. Isang buwan matapos ang kasal nila ni Luke, nagdesisyon siyang dito sa Manila sila titira. Kahit gusto niyang sa Cebu lang sila pero ayaw naman niyang mahirapan ang asawa niya. Ito pa rin kasi ang tumatayong Presidente ng Impero Del Rio Associatti at si Andrei na ulit ang CEO. Nalaman din niya na wala na ang L.A Corporation dahil lahat ng assets n'yon ay ibinigay ni Luke sa Impero at mas lalo pa iyong lumago na may iba't ibang kompanyang sakop na rin iyon. "Wow! They're so beautiful, sweetheart," Luke said, teary eyed.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD