Dahil unang araw ng restaurant nila ay namimigay ng libreng inumin si Loraine.Marami ang kumain sa kanila at abala naman si aling Josephine sa pagluluto.Si Loraine at Boyet ang taga serve ng pagkain.
"Naku Loraine magdahan-dahan kang kumilos dahil buntis ka."Sabi ni aling Josephine sa babae.
"Opo auntie,huwag po kayong mag-alala.
Sagot ng dalaga sa step mother niya.Napangiti nalang si Loraine dahil sa dinumog ang unang araw nila.
Samantala sa mansyon naman nila Clyde ay hindi parin bumababa si Angel.Takot ito kay Audrey,si Clyde naman ay nag-aaral ng tumayo mag-isa.Nasa kwarto siya at sikretong kumikilos mag-isa.Gusto niyang walang makakaalam na naigalaw na niya ang sarili.Hindi din siya nagpapahalata na nakakaalala na siya.Namimiss na niya si Loraine,gusto niyang malaman bakit nawala ito bigla at hindi na nagpapakita sa kanya.Sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto niya at nagkunyari siyang nakaupo lang sa welchair niya at nakatingin lang sa labas.
"Hi babe,gusto mo bang magpahangin sa hardin?" Tanong ni Audrey sa kanya.
"Halika at alalayan kita pababa." Dagdag pa ng babae ng tumunog ang cellphone nito.
"Hello Lando! Napatawag ka?
"Maam,alam ko na kung saan ngayon si Loraine."
"Ganun ba? pwes gawin mo ang pinapagawa ko.Para hindi na siya makarating pa dito!
"Maam paano naman si Alexis!
"Hayaan mo sya,basta gawin mo ang pinapagawa ko Lando para hindi lang kotse ang makuha mo sa akin."Sabi ni Audrey habang tumatawa."Mawawala kana din sa landas ko Loraine."Bulong ni Audrey habang tumatawa.Nakatingin naman si Clyde sa babae.
"Why honey? opps...sorry dadalhin nga pala kita sa hardin."
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan Clyde baka iisipin kong sa kabila ng pagka paralisado mo ay may gusto ka na sa akin."Dagdag pa ng dalaga habang tinutulak ang welchair ni Clyde.Sakto namang pababa din si manang Agnes at kasama nito si Angel.
"Saan mo dadalhin ang batang iyan manang?
"Pakakainin ko ho.
"At sino ang nagsabi sayo na sa kusina mo iyan pakainin?
"Ako ho at karapatan ng bata ang lumabas ng kwarto.
"Sumasagot kana,baka nakalimutan mo na ako na ang amo mo dito!
"Hindi po kayo ang nagpapasahod at nagpapakain sa amin maam Audrey.Ayaw ko na masaktan mo pa ang bata.
"Hoy yaya! Sa akin binilin ni ninong Claudio si Angel at Clyde.Baka nakalimutan mo na katulong ka lang dito!
"Hindi ko ho nakalimutan maam.Pero baka nakalimutan mo din na hindi ka kaano-ano ni sir Clyde.Si Angel ang may karapatan dito dahil siya ang anak.
"Anak? Hahaha..Nagpapatawa ka ba? Baka hindi mo na naalala na ampon lang ni Clyde si Angel kaya nga ayaw nila ninang dyan sa batang iyan hindi ba?
"A-aano po? ampon lang ako ni daddy?
"Hindi totoo iyan iha,huwag mo na intindihin ang sinabi ni Audrey.
"Ano? anong Audrey ang sinasabi mo ha?Hoy matanda! Ako ang mag-aasikaso ng sasahurin ninyo kaya mag dahan-dahan ka sa mga sinasabi mo! Pareho lang kayong walang karapatan dito!
"Salbahe ka pong babae,i hate you!" Sabi ni Angel na siyang ikina- init ng ulo ni Audrey.
"Hoy bata ka,halika nga dito.."Agad naman nagtago si Angel sa likod ni Agnes.Pero hinila parin siya ni Audrey.
"Aray ko po,masakit po.."Daing ng bata ng kinurot siya ni Audrey.
"Tama na ho maam,hindi pa nakakarecover ang bata sa pag palo mo ng sinturon sa kanya!
"Abay dapat dyan ay desiplinahin!
"I hate you po talaga! Bad ka! Bad ka!"Sabi ni Angel at hinihila na si manang Agnes.
"I-uwe mo ang batang iyan sa bahay ninyo Agnes! Sigaw ni Audrey sa ginang.
"Hindi siya aalis dito hanggang hindi pa makapagsalita si sir Clyde.
"Well,kung iyan ang gusto mo.Maging impyerno ang buhay ng batang iyan dito! Sabi ni Audrey habang nakikinig lang si Clyde.Gusto na niyang mag salita kanina pero nagpipigil lang siya dahil sa nalaman sa babae.Nag dududa na siya dito mula ng may kausap ito kanina.Hindi man niya sinabi kung sino ang tinutukoy alam niyang si Loraine iyon.Iniwan muna siya sa hardin ng babae upang makakuha ng Juice.Nakangiti siyang pinag masdan si Angel na nanonood sa sala.Maya-maya ay lumingon ito sa kanya at nagkunyari siyang hindi nakita ang bata.
"Daddy how are you na po? You want anything? Tanong ng pitong taong bata.
"Sorry daddy ha,kasi po naging pasaway ako.Tita Audrey told me po na pasaway ako.Kaya na palo niya ako.But i didn't remember po kasi kung ano po ang nagawa ko."Dadag pa ng bata sabay kamot sa ulo.
"Hindi ka pasaway Angel,isa kang mabuting bata."Bulong ni Clyde sa sarili.Gusto na niyang yakapin ang bata pero nagpipigil lang siya at nagulat pa siyang biglang tumayo ito at tumakbo.Iyon pala ay papalapit na sa kanya si Audrey.
"Here honey,drink this." Sabay lagay ng baso sa may bibig niya.Umiling ang binata kaya hindi na siya pinainom ni Audrey.
"Tss...lagi ka nalang ganyan kapag ako ang nag-aasikaso sayo."Kunyaring pagtatampo nito sa lalaki.
Habang si Loraine naman at aling Josephine ay nag-uusap habang nag bibilang ng perang kinita.Hindi maiwasang matuwa ang dalawa dahil sa kita ng unang araw nila.
"Sana tuloy-tuloy ito Auntie."Sabi ng dalaga.
"Baka swerte si baby iha kaya sana ay araw-araw ganito.
"Ganun na lang po siguro,kailangan nating may pa libre.Pwede din po tayo magpa unlimited rice."
"Pwede din iha,kasi malapit naman dito sa lahat eh.Magdagdag na din tayo ng grocery.Total nasa bahay lang naman tayo.
"Pwede din po kasi madami naman ang dumadaan dito."Sagot ng dalaga kay Josephine.
"O sya at matulog na tayo dahil alas dyes na ng gabi.Bawal kang magpuyat."
"Sige ho.Dahil maaga pa tayong magluto bukas."Kaya pumasok na din ang babae sa kwarto niya.Hanggang alas otso lang sila ng gabi at 5am naman ng umaga sila nagbubukas dahil may mga bumibiling almusal.
"Kapit ka lang dyan baby ha.Kailangan nating kumayod dahil sa future mo,para kahit wala kang ama ay kayang-kaya kitang buhayin.Huwag ka lang sana magtampo kay mama kung lumabas at lumaki kang walang ama."Sabi ni Loraine sa bata na nasa sinapupunan pa niya.
Humiga na din ang babae para makatulig na.Nag-alarm na lang siya ng alas tres ng umaga para matulungan ang madrasta sa pagluluto.Natuwa naman siya dahil ok na sila nito at mabait na din ito sa kanya.
"Bakit mo ako iniwan,Loraine bakit ka lumayo? Sige kung iyan ang gusto mo,huwag na huwag ka ng magpakita pang muli sa akin! Agad namang napabangon si Loraine dahil sa panaginip.Galit daw si Clyde sa kanya dahil iniwan niya ito ng walang paalam.Sakto namang nag-alarm ang cellphone niya at bumangon na siya para tumulong kay aling Josephine,pero nagulat siyang may taong nakatayo sa harapan niya.
Itutuloy...