Propose to her Duke's point of view Nakahiga lang ako sa kama at inaantay ko ang text ni kuya kyle dahil siya daw bahala sa proposal ko buti nga tumulong siya saakin. Biglang pumasok si yara at ngumiti saakin kaya bumangon ako para kunin sakanya ang binili niyang prutas. "Okay ka na ba?"tanong niya saakin ang tumango lang ako. "Nagugutom ka?"tanong niya saakin at tinitigan ko lang siya bakit ba ang ganda niya? "Busog na ako sayo.."sabi ko at nanlaki ang mga mata niya kaya nagulat din siya sa sinabi ko. "Ahh oo gutom ako penge mansanas."nahihiya kong sabi kaya kinuha niya 'yong mansanas at binalatan niya 'yon. Tumahimik lang ako nung biglang nag vibrate ang phone ko kaya tinignan ko 'yon kung sino nag text. From: Kyle Bro, okay na ang red carpet may mga bulaklak na rin at pirapira

