THIRD PERSON P O V Mas naging mahirap naman kay Glorya ang pag bubuntis, tuwing gigising s'ya ay pina pahirapan s'ya ng kanyang morning sickness. Kung minsan din ay naiiyak na lamang s'ya kapag may gusto s'yang kainin na hindi n'ya mabili o hindi mahanap sa palengke. Kaya naman mas nanaig ang galit at pagka yamot sa ama ng kanyang ipinag bubuntis. Kaya naman madalas na lamang din s'yang naka higa sa kama sa kanyang k'warto dahil nga sa panlalata. At tila walang ganang mag trabaho dahil sa bigat ng pakiramdam. Madalas ding sarado ang kanyang tindahan, na labis na pinag tataka ng kanilang kapitbahay. Kayaa naman madalang na ring lumabas si Aling Glenda para hindi s'ya matanong ng mga ito. Oo nga at hindi naman maililihim ang pagbubuntis ni Glorya, ang nais lamang nila ay maging tahimi

