GLORYA'S P O V Parang gumuho ang mundo ko ng hindi ako makilala ni Adonis. Tila may maliliit na karayom ang tumutusok sa puso ko. Ang saklap lang kasi nang nangyari sa amin. Ang saya- saya pa namin bago bumyahe tapos sa isang iglap lamang ay hindi na ako kilala ng taong mahal ko. Mag lupasay man ako sa loob ng aming recovery room ay hindi pa rin n'ya ako makikilala. Cold treatments na nga ang pinapakita nito sa akin. At sinabi naman na ng doctor nito na mag hintay kung kailan babalik ang memorya ng aking nobyo. Iyon naman ang malaking katanungan, kung kailan kaya iyon mangyayari? Paano kung isa, dalawa o tatlong taon pa bumalik? Paano na ako nito? Mabuti na lamang at ni- welcome pa rin ako ng kanyang mga kapatid at Ina. Kahit papaano ay nabawasan ang labis kong pag- aalala. Iyon nga

