GLORYA'S P O V " Oh! Uminom ka na ba ng kape at magbubukas ka na ng tindahan!? " gulat na sambit ni Mama nang muntik na kaming magka bungguan dahil papalabas na ako ng aming bahay samantalang siya ay papasok naman. " Ma! Ang aga n'yo naman pong nagising!? " bulalas kong wika, sabay haplos ng kamay ko sa aking dibdib dahil kinabahan ako, akala ko naman ay may multo na rito sa bahay namin dahil madilim pa. " Bumili akong pandesal, maaga akong nagutom kaya ako lumabas. " malumanay namang saad nito " Tara po, humigop po muna tayo ng mainit na kape at iyang pandesal. " wika ko naman sabay tungo na sa kusina para mag- init ng tubig, naramdaman ko namang sumunod s'ya sa akin. Naglagay na nga ako ng tubig sa electric kettle tsaka ko isinaksak sa outlet ang plug. Habang hinihintay ko naman

