Chapter 5: Vengeance
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa lalaking ito. His eyes are flaming with anger and annoyance. Wala naman akong naalala na maling ginawa ko sa kanya.
Tumalikod siya sa akin habang hinihilot ang sentido niya. Naglalakad siya pabalik balik at naiirita pag nakikita ang suot ko. I know I'm wearing something revealing but why does he looks so mad? Hindi naman siya mamatay kahit maghubad ako dito.
"What seems to be the problem, sir?" I asked.
Bumaling ulit siya sa akin at tinignan ang damit ko. Napa-iling ito at hinubad ang leather jacket na suot niya. Tinapon niya ito sa mukha ko at umalis ng walang pasabi. I closed my eyes when I heard the loud bang when he closed the door.
Napabaling ako sa jacket na hawak ko. The scent of it very manly, I'm guessing it's a Tom Ford Ombre Leather Perfume. Hindi ako mahilig sa pabango dahil sumasakit ang ilong ko pero kakaiba ang amoy nito.
Bumaling ako sa pintuan na bumukas at pumasok ang kasama kong lalaki kanina.
"Alton said, you have to wear that," sabi niya. Hindi ko alam kung robot ba ang lalaking ito. He has no emotion whatsoever.
Sinuot ko ang Jacket niya at nagsimula maglinis. Wala akong balak galawin ang mga gamit dito dahil baka mahalata ako. I have to set a not so questionable character before making a move.
I swept the floors, wiped the windows, water the plants and removed the dust from the keyboard and computer table. Hindi ko alam na ganito pala ka draining ang trabaho ng isang maid. I didn't experience these things before since we have maids in our house.
Yes, my father taught us how to hold guns and knives, or kill someone but he never taught us any of these cleaning things. Natuto lang ako maglinis ng nagsimula akong maging parte ng organisasyon. I'm being thrown away from one place to the other. So I need to learn independence during that time. One of the things that I have to learn is cleaning.
I wish to have a normal life, I wish I grew up normally but what can I do? I was born this way. My path is already chosen for me.
We finished up the cleaning and then went to other rooms to clean. Hindi lang diyan natatapos ang trabaho. Naglinis pa kami sa hallways, sa kusina, sa hagdan, sa banyo at sa iba pang parte ng bahay.
It's tiring but I memorized few passwords and the structure of the whole house. Alam ko na kung saan pwede dumaan ng hindi nalalaman at mga daanan na hindi pwede. This house is almost perfect but their are still errors in it.
Para akong binagsakan ng langit at lupa nung dumating ako sa maid quarters. Pagpasok ko doon may dalawang double deck nasa gilid at may ibang tao na doon.
Binati ko sila at nagsimulang makipag halubilo.
"Are you new?" tanong ng isang babae sa akin.
I smiled and nodded. Nagtilian silang lahat at magsasalita na sana ang mga kasamahan ko ng nagsalita ang babae sa likod namin.
"Stop that, it's too noisy," saad niya at pumunta sa higaan ko. Sa amin ngayon dito ako lang ang naka single bed.
"Who's staying here?" tanong niya.
I raised my hand and smiled. She rolled her eyes at me which made my brows curved. Tinapon niya ang bag niya sa higaan ko at nilaglag ang lahat ng gamit ko sa sahig.
"What are you doing, Nicole?" tanong ni Claudia sa likod.
Wala na ang mga ngiti sa labi ko habang nakatingin sa kanya. Umikot siya sa kama ko at nakita ang Jacket ni Alton na nakahanger sa kabinet ko. She touched the the zipper and drag her index finger across it.
"Where did you get this?" tanong niya sabay tingin sa akin.
"Sir Alton gave it to me," I answered.
She smiled wickedly, making me annoyed. There is something about her that makes me want to barf.
"Why would Mr Alton give his Jacket to a lowly, asian, shitty, poor like you?" she smirked.
I wanted to strangle her up but I know it will blow up my cover. Lucky, b***h.
"I don't know, you could ask him or maybe you could educate yourself on how to properly order cumulative adjectives, You racist slur," I said and smiled widely.
Her jaw dropped upon hearing my statement. Allisa may be a good person but she does not tolerate a racist b***h.
Lumapit ako sa higaan ko at kinuha ang mga gamit niya at nilagay iyon sa kama niya. Kinuha ko naman ang mga unan at gamit ko sa sahig at binalik iyon sa higaan ko.
"I'm a nice person, Nicole but as a normal human being I won't tolerate your bitchiness and your rude actions towards others," I whispered.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa mukha. Napabaling ako sa ibang kasamahan namin at ngumiti sa kanila. Kinuha ko ang ibang gamit ko at lumabas na sa lugar na iyon. I closed my eyes and massaged the bridge of my nose.
Pumunta ako sa madilim ba parte ng mansyon at umupo sa gilid. Kahit saang parte pa ata ako itapon hindi mawawala ang mga racist na tao. Even in some asian countries, some people are racist towards their race. Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan sila.
E ano naman ngayon kung singkit ako?
What's wrong with people who have dark skin?
Anong mali sa pagiging kulot?
We are all human beings and we are given the same power, supposedly. No matter what race, gender, skin color, beliefs and culture, we are all the same. It does not make us less of a human if we are not part of the majority. We are unique and beautiful in our own way and the hell with those people who make us question our worth and value based on the place where we came from.
Sinandal ko ang ulo ko sa pader sa likod ko. I'm tired from work and I didn't expect that I would have to deal with people like this. We are already in the 21st century but yet people like her still exist.
"What are you doing there?"
Bigla akong napatayo nung narinig ko iyon. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya pero pamilyar ang kurba ng katawan niya. He slowly move towards me. I alerted myself but I tried to act as calm as possible.
When his face hit a small light I immediately recognized it.
Alton.
"Resting, sir," simpleng saad ko.
"In the dark?"
"Yes sir, in the dark."
Pagkatapos kong sabihin iyon nakarating na siya sa harapan ko. I smiled at him.
"Don't smile if you don't want to. I can see that you're trying and it's irritating."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. I tilted my head and looked at him. He smirked and took out a cigarette in his pocket and started lighting it. Humakbang ako papalayo sa kanya dahil hindi ko gusto ang amoy na iyon.
He looked at me in disbelief when he saw my reaction.
"You don't like cigars?" he asked.
Umiwas ako ng tingin.
"A friend of mine died because of lung cancer," I lied.
"Really?" tanong niya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
Humarap ako sa kanya at akmang magsasalita ng hinawakan niya ang kamay ko at hinatak papunta sa dingding sa gilid. He pinned me in the wall and covered my mouth. I was restraining when he put his index finger on his lips signing me to quiet down. Napatigil ako.
I saw him glancing behind us. Hindi ko makita kung ano ang nangyayari pero alam kong hindi maganda.
"Did you do it?" a guy asked.
Mas lalo akong idiniin ni Alton sa ding ding para hindi kami makita. Halos hindi narin ako makahinga dahil wala ng distansya sa gitna namin.
"I already talked to them. They can help us delay the shipment." saad ng isa pang boses. Nagkatinginan kami ni Alton. Biglang pumasok sa isip ko ang rason kung bakit galit si Mr Cortez kanina.
Napalaki ang mga mata ko habang nakikinig sa usapan nila. They are going to sabotage the shipment. Nakita ko ang pagdidilim ng mukha ni Alton habang nakikinig kami sa usapan. When the voice finally faded out, my breathing became normal.
I looked at him and saw him looking at me intently. The darkness is now gone in his face. Napalitan ito ng paghanga. Tinaasan ko siya ng kilay at nung nakita niya ang reaksyon ko lumayo kaagad siya sa akin.
"I have to go," paalam niya at iniwan ako doon.
Tumingin ako sa gawi kung saan siya naglakad at unti unting nawala ang anino niya sa kadiliman. Inapakan ko ang sigarilyo niya at naglakad pabalik sa kwarto. When I got there, people inside are already asleep. Kumuha ako ng pajamas sa bag at pumasok sa banyo.
Pagkatapos kong maligo humiga na kaagad ako sa higaan. My mind is still wrap up of what happened a while ago.
I'm not the only one. Maraming gustong magpa tumba sa mga Cortez. It's either nga kalaban nila sa business o ibang organisasyon. Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip.
My plan will not work if this act continues. I have to stop them before they do anything stupid that could ruin everything.
Bumangon ako ng marinig ko ang maliit na ingay sa room namin. Tumayo ako at nag-ayos ng sarili ko. Napabaling ako sa jacket na naka hanger sa gilid. Balak kong ibalik ito sa kanya dahil hindi naman pwedeng angkinin ang hindi akin.
Tinupi ko ito ng maayos at lumabas na ng kwarto. Hindi pa sumisikat ang araw kaya madilim pa ang daanan. Naglakad ako papunta sa backdoor ng bahay. Habang naglalakad nahagip ng mata ko ang isang lalaking naninigarilyo sa likod na balkonahe ng bahay. Napatigil ako sa paglalakad at tinignan ito ng mabuti.
Nakasandal siya sa railing ng bahay. How can someone who has a face of an angel can be part of this bullshit?
Sayang!
Napabuntong hininga ako at nagsimulang maglakad ulit. Mas lalong dumilim ang paligid nung nakapasok ako sa loob. We are not allowed to open the lights unless the sun is already rising. I don't get why they made that rule because the reason why light is made is to guide in the darkness darkness.
I'm trained to see in the dark but I was so clouded with my thoughts that I didn't see the table in the corner. I hit my stomach in the corner of the table.
Napasigaw ako sa sakit. Kaagad ko nilagay ang palad ko sa bibig ko para mapigilan ang sigaw. Para akong sinaksak sa sakit. I pressed my other palms on the area at inangat ang suot kong blouse. I'm sure that it will bruise. Hinawakan ko ito at napangiwi ako sa sakit. Tatayo na sana ako ng may humawak sa balikat ko. Kaagad akong napabaling kung sino iyon.
"Are you okay?" Alton asked.
"Yeah, I'm good."
Binigay ko sa kanya ang jacket. Tinago ko ang sakit at ngumiti, bago siya tinalikuran. Buti naman at hindi na siya sumunod sa akin.
I started working. Kung anong ginawa ko kahapon ay ginawa ko ulit ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit ang dumi dumi na ng ibang kwarto tas konti lang naman ang nakatira dito.
Nagsimula ako sa kusina. I cleaned the dishes and started sweeping the floor. Masakit parin ang tagiliran ko pero kaya ko naman magtrabaho pa.
I memorized every ways and rooms in this house. Nakapasok na rin ako sa cctv room kaya alam ko na kung saan nakalagay ang mga cctv. I think I can finish this job by the end of the month. Nagsimula na rin akong maglagay ng recorder sa paligid ng bahay. Kailangan ko munang malaman ang mga galaw nila bago ko sundin ang plano ko.
It's been 3 days and I haven't heard anything from my team and Alessandro's team. Pahirapan ang pag communicate sa kanila dahil nagiingat kami. Habang nagpaplanta ng recorder may nakita akong maid na pumasok sa isang kwarto. Napataas ang kilay ko dahil hindi ko pa siya nakikita o nakikilala. I know the maids who are working here. Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto.
She's wearing our uniform that's the reason why I'm curious. Naglakad ako papunta sa kwarto na iyon. I didn't dare to knock I just opened the door. At mas lalo akong nagulat ng bumulaga sa akon ang pistol na nakatutok sa ulo ko.
"Who are you?"she asked. Halata ang kaba sa mukha niya. Hindi ko sinagot ang tanong niya at kalmadong tinignan siya.
"I'm the one who should be asking that question. Who are you?"
Before she could even answer. Blood sprouted from her chest and as her body fell down she kept shouting.
"Venganza!"