"Until now, I still can't believe that you are here. Kamusta naman kayo while studying abroad? Madalang din kasing mag-update si Sky kaya ang alam namin ay masyado talaga kayong busy, " basag ni Benedict sa katahimikan. Kasalukuyan silang kumakain ngayon ng dinner sa restaurant kung saan nagpa-reserve ang mag-asawa para sa celebration ng kaniyang graduation. "To be honest, Tito at first ay nahirapan kaming mag-adjust. Kasi kami-kami lang sa bahay so we usually eat outside or mag-order na lang kasi tinatamad kaming magluto," tunatawang sagot ni Storm. "Hindi naman sa tinatamad magluto, hindi ka lang talaga marunong." "See that, Tita? Hindi pa rin nagbabago iyang si Kulog. Parati niya pa rin akong binabara. Minsan talaga napapaisip na ako kung magkapatid ba talaga kami. Feeling ko po, hin

