Chapter 5

1185 Words
Today is Ayesha's first day as a college student kaya naman hindi na mapuknat-puknat ang malawak na ngiti sa kanyang labi mula pa kagabi. Accountancy ang kursong pinili ni Margaret sakaniya. Ipinasok rin siya nito sa isa sa pinaka kilalang unibersidad sa bansa kung saan kasalukuyang pumapasok si Franz. She's busy checking all her stuffs para masigurong ready to go na nga siya ng bigla na lamang siyang makarinig ng sunod sunod na pagkatok. At sa klase pa nga lang na katok na akala mo ay gustong wasakin ang pinto ng kwarto niya, alam niya na kaagad kung sino iyon. Nagpakawala pa muna siya ng malalim na buntong hininga bago tinungo ang pinto na sa tingin niya ay malapit na ngang bumigay. Parehas kasing nasa dulo ang kwarto nito at sa ganitong oras ay paniguradong nasa baba na ang mag asawa kaya nambubulabog na si Sky. Ano na naman kaya ang problema niya at mukhang galit na galit na naman ng ang aga-aga?" "You know what to do," bungad kaagad nito pagbukas pa lamang niya ng pinto. "Huwag na huwag kang magkakamaling kausapin ako at ipaalam sa kahit na kanino na magkakilala tayo at na dito ka sa bahay namin nakatira. Sa oras na magkaroon ng bali-balita tungkol sa atin ay malilintikan ka talaga," mariin pang sambit nito at saka siya mabilis na tinalikuran nang hindi man lang siya hinintay na makasagot. Napapailing na bumalik na lamang si Ayesha sa loob, kung sabagay ay wala naman talaga siyang balak na sumagot dahil ayaw niyang mas painitin pa ang ulo nito. Parehas silang Business related ang course kaya naman nasa iisang departamento at building sila kaya ganoon na lang din ang pagbabanta nito. At higit sa lahat, wala rin naman talaga siyang balak kausapin ito o ang kahit na sino man dahil nga mahirap magtiwala sa panahon ngayon at iyon nga rin ang paulit-ulit na sinasabi sakaniya ni Margaret. Magingat sa mga taong nakakasalamuha niya. Kababalik pa lamang ni Ayesha sa may harapan ng tukador nang makarinig siyang muli ng pagkatok. Pero sa pagkakataong iyon ay marahan na at hindi padabog. "Tuloy po," sambit niya. Ang nakangiting mukha ni Margaret naman ang bumungad sakaniya nang bumukas ang pinto. "Good morning, Sweetheart." "Good Morning din po, Tita. Nag-breakfast na po ba kayo?" Ayesha asked out of generosity. Umiling-iling naman ito. "Hinihintay kita. Para sabay na tayong mag agahan. Nagpahanda ako ng vegetables salad. It's good for your skin. Iwasan dapat natin ang mga ma-cholesterol na pagkain dahil hindi healthy iyon." "Sige po, Tita." "At saka bawas-bawasan mo na rin ang pagkain at pagbe-bake ng sweets. Tignan mo, nagkakaroon ka na ng belly fats," sambit pa nito at saka ibinaba ang tingin sa may tiyan niya. Ayesha is wearing a simple jeans ang shirt kaya hindi naman bakat ang namumuong taba niya sa tiyan sa suot. Pero tila ba tumatagos ang paningin ni Margaret sa ilalim ng suot niyang damit. At kahit na pa nga simpleng damit lang ang suot niya ay branded naman ang mga iyon. Ayaw rin kasi ng Tita Margaret niya na magsuot siya ng nakikita ang balat dahil marami nga raw ang masasamang loob sa labas. Baka raw mabastos siya. Pabor naman sakaniya iyon dahil mas kumportable siya sa ganoong damit, Nakakakilos siya ng maayos. "Yes, Tita. Babawasan ko na po ang sweets," nakangiting sang-ayon niya sa ginang. Bagay na isa sa mga dahilan kung bakit inis na inis si Sky sakaniya. Wala na daw kasi siyang ibang alam gawin kung hindi ang sumang-ayon at tumango sa lahat ng sinasabi ni Margaret. "Anyway, I checked your schedule last night so nasabihan ko na si Manong Amboy kung anong oras ka niyang susunduin. Don't forget to message me once you arrived at school later, ha? "Yes, Tita. I will." "At huwag mo ring kakalimutan ang bilin ko saiyo. Huwag basta-basta magtitiwala sa mga bagong kakilala. We should check their family background first before you hang out with time. Baka mamaya ay kung ano-ano ang ituro nila saiyo. Some teens nowadays are very wild at ayokong ma-impluwensyahan ka nila. Hindi maganda at mas lalong hindi iyon makakatulong sa future mo. So you have to take a good care of yourself, okay? Kilalanin mong mabuti ang mga lalapit saiyo. Then if you think that something is not right and someone is violating your personal space and privacy, inform me and I will take care of it right away." "Yes, Tita. Don't worry po. I'll be extra careful." "Good. I'll go see my friends later to check if they have daughters na schoolmate or classmate mo so meron kang makakausap kahit papaano na kakilala ng family natin." Tumango na lang naman siya bilang tugon. Para siguro sa iba ay nakakasakal ang trato sakaniya ni Margaret pero para sakaniya ay hindi. Naiintindihan niyang gusto lang nitong safe siya at hindi malagay sa alanganin. Nakasanayan niya na nga rin na ito ang nagdedesisyon para sakaniya kaya naman hindi na siya confident to decide or her own. She became dependent to Margaret dahil alam niya namang para sa ikabubuti niya rin ang ginagawa nito. And besides, utang niya kung tutuusin ang buhay at pamumuhay niya rito kaya naman she always obey her. Kung hindi kasi siya kinupkop nito ay hindi niya alam kung anong klaseng buhay ang meron siya. Lalo ba nga at wala naman ni isa sa mga malapit ba kamag-anak nila noon ang may gustong ampunin siya. "Let's go downstairs na para makakain ka pa bago pumasok. I already prepared your lunch na rin kasi we never know kung anong klase ng food ang niluluto nila sa school. Sadyang matigas lang talaga ang ulo ni Sky at ayaw magbaon dahil nga matanda na raw siya. Ikaw ba? Is it okay with you if ako ang maghahanda ng lunch mo everyday?" "Of course, Tita. Wala pong problema sa akin iyon," nginitian niya pa ito para naman hindi nito isiping napipilitan lang siya. Kinuha niya na ang mga gamit at iniwan na lang muna sa sofa sa sala bago sila magtungo sa kusina para kumain ng agahan. "Good morning, Tito Ben," bati niya ng madatnan ang ama ni sky sa dining table. Hindi pa ito nagsisimulang kumain at mukhang hinihintay sila. "Good morning, Yesha. Sabi ko naman saiyo sanayin mo na ang sarili mong tawagin akong daddy 'di ba?" sambit naman nito. "Hm? That's a good idea, Hon," sambit naman ni Margaret nang makaupo. "You should start calling me, Mommy na rin," baling pa nito sakaniya. "Sure po, Mommy and Daddy," nahihiya pang sambit niya dahil nga hindi naman siya sanay. "Sige na, kumain na tayo at para hindi ka ma-late. Ako na ang maghahatid saiyo ngayon tutal madadaanan naman ng school niyo papuntang office so I can drop you off." "Thanks... Dad." Nginitian pa siya nito bago magsimulang kumain. Sampid lang siya kung tutuusin sa pamilyang iyon pero mas madalas pa na siya ang kasabay ng mga ito sa pagkain kaysa kay Sky. Mukhang allergy kasi ito sakaniya kayo todo kung makaiwas. Minsan talaga ay napapaisip na lang siya kung kailan kaya sila magkaka-ayos na dalawa? Posible pa kaya iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD