"Akala ko nahimatay ka na. Muntik na akong tumawag ng ambulansya," nakangiting biro ni Cloud nang sa wakas ay makababa na si Ayesha. Sinalubong siya ng binata sa may baba ng hagdan para kunin ang dala-dala niyang laptop. "S-sorry, tumawag kasi ulit si Zandra kanina kaya hindi ako nakasunod agad," nahihiyang tugon naman ng dalaga. "It's okay. So? Tignan na ba natin?" Sunod-sunod na tango nalang naman ang naging sagot ni Ayesha. Umupo sa mahabang sofa si Cloud habang siya naman ay sa single sofa. "Sit here, sabay na nating tignan." "I'm still nervous. Parang hindi pa ako ready na makita ang result." "Stop prolonging the agony, My dear. Mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo, eh." Ayesha sighed. "What if hindi ako pumasa?" "Malabong mangyare iyon. I believe in you, alam ko kung ga

