Abala si Ayesha sa paggawa ng ilan sa kanilang mga activities at homeworks doon sa kaniyang kwarto nang bisitahin siya ni Margaret. "Are you busy?" malambing na tanong nito. Sabado ngayon at wala si Sky pati na rin ang Tito Benedict niya at bored marahil ito na walang kausap kaya naman naisip siyang puntahan nito.
"Hindi naman po, Tita. Patapos na rin naman po ako sa mga ginagawa ko," sagot naman niya at saka tumayo para salubungin ito. Inakay niya na rin ang ginang paupo sa kaniyang kama katabi niya.
"Ang bilis nang panahon ano? Parang kailan lang nang magsimula ang klase niyo. Ngayon ay patapos na ang first semester ninyo," panimula naman nito sa usapan.
"Kaya nga po, eh. Hindi ko na nga rin po namalayan ang oras sa bilis nitong lumipas," nakangiting sagot naman ng dalaga.
"Anyway, while scrolling on social media earlier, I saw a picture of you with a girl who's not familiar with me. Is she your friend?"
"Yes po."
"How did you met her?" usisa pa nito. Biglang hindi naging maganda ang kutob ni Ayesha sa tono ng boses ni Margaret. Bahagya rin siyang kinabahan dahil parang may ideya na siya kung saan patungo ang usapan nila.
"She's my classmate po."
"I always told you naman before na kilalanin mabuti ang mga magiging kaibigan mo right?"
"Yes po."
"Not that I dont trust you, Anak. Just that, alam mo naman siguro na most of the people thinks that your friend is the mirror of yourself so they judge you the way they see your friend. That girl doesn't look like someone na magiging good influence sa iyo. Look at the way she dress up, parating kinulang sa tela ang suot. She even have tattoo. Baka mamaya ay kung ano pa ang ituro niyang gawin sa iyo," anito. She's right, from the very start ay alam niyang hindi magugustuhan ni Margaret si Zandra kaya hindi niya ipinakilala rito ang kaibigan. "You better stay away from that girl, Yesha. Makaka-apekto lang siya sa image mo."
"Yes po," sang-ayon na lang naman niya. Kahit kailan naman kasi ay hindi siya tumutol sa kung ano mang sinasabi ng ginang at hanggang ngayon ay wala siyang balak na sumuway o sumagot rito. Because she really can't imagine her life kung hindi ito dumating noon para kupkupin siya.
"Good. Anyway, since malapit na ang bakasyon niyo ay naisipan kong ikuha ka ng tutor. I know naman na kung tutuusin hindi mo na iyon kailangan because you are already a dean's lister pero syempre, para naman hindi masayang ang oras mo at advantage rin naman iyon saiyo para na rin magkaroon ka ng advance learnings sa mga future subjects mo."
"Sige po, Tita."
"O siya sige. Ituloy mo na iyang ginagawa mo. Maiwan na kita, ha? Bumaba ka na rin kaagad pagkatapos mo para sabay na tayong makakain ng lunch. Nagpaluto ako ng gulay kay Ate Magda, it's good for your health and body. And remember to be strict in your calorie deficit, okay? Nawawala na ang mga baby fats mo, pero kapag pinabayaan mo ang sarili mo ay baka lumobo ka naman. Dalaga ka na kaya dapat ay conscious ka na rin sa body figure mo. Because I want you to be the most beautiful and sexy bride in the future. Kaya huwag masyadong mahilig sa matatamis at matatabang pagkain okay?" malambing na paalala pa nga ni Margaret habang may malawak na ngiti sa mga labi.
"Yes po."
"Okay, bye! See you later," paalam pa nito bago tuluyang lumabas sa kwarto niya. Napabuntong hininga na lang naman siya bago bumalik sa may study table niya. Okay lang naman sa kaniya ang pagiging strikto ni Margaret dahil alam niyang para sa ikabubuti niya rin naman ang iniisip nito, kaya lang ay bumibigat talaga ang pakiramdam niya sa tuwing nababanggit ang tungkol sa kasal nila ni Sky. Dahil alam niya namang ikinalulungkot iyon ng binata. Pero tulad nito ay wala naman din siyang magagawa.
____
Papasok na si Sky sa kaniyang silid nang matigilan siya dahil narinig niya ang tinig ng ina galing sa kabilang kwarto. Magkatabi kasi ang kwarto nilang dalawa ni Ayesha at naiwan pang bukas ang pinto kaya naman dinig niya ang pag-uusap ng dalawa.
Bahagya pa nga siyang napangiwi nang wala na naman siyang ibang marinig na salita sa dalaga kung hindi ang pagsang-ayon sa kung ano mang sinasabi nang ina. Her mother is obviously getting overboard dahil nga ultimo pagpili nang kaibigan ay pinanghihimasukan na nito but Ayesha didn't even try to explain her situation nor defend her friend.
"She deserves to be alone for the rest of her life," iiling-iling pa ngang sambit niya bago tuluyang pumasok sa loob ng silid.
Ngunit wala pa mang ilang minuto ay nakarinig na siya ng sunod-sunod na katok sa kaniyang pinto. ""Sky? You there?"
"Come in," aniya at saka umupo sa may sofa habang hinihintay na pumasok ang ina.
"Maaga ka yata ngayong, ah?"
"Inaayos ko kasi ang mga documents na kailangan so I can start my on the job training as soon as possible."
"Sinabi ko naman kasi saiyong doon ka na sa companya pumasok---"
"Mom, I already told you my reason for so many time so please, stop nagging. I don't want everyone to think that I'll be receiving a special treatment during my internship kaya gusto ko na sa iba pumasok."
"Who cares about what they think? Sooner or later rin naman ay ikaw na ang makakatulong ng daddy mo sa pagpapatakbo ng companya so I can't see anything wrong kung doon ka na rin papasok for your internship," giit pa rin ng ina.
Napailing na lamang tuloy si Sky. "I want to be mentally and physically prepared kapag pumasok na ako sa kompanya. And exploring to gain some experience will help me grow as an individual that is why I wanted to do this. Hindi naman ako katulad ng iba na gusto parati ay spoon feeding at sinasanay ang sarili na dumepende sa iba. I will never be like that, Mom."
"Fine, I won't say anything anymore. But can I ask you a favor?" maya-maya ay tanong nito. Biglang naging maamo ang mukha nito kaya kinutuban na naman si Sky ng hindi maganda.
"What is it again, Mom?"
"Can you please treat Ayesha a little better? How are you two going to get along kung parati mo na lang siyang sinusungitan? Bakit ba kasi ang init ng ulo mo sa kaniya?"
"It's because I don't like her, Mom."
"Then start liking her now because you can't marry unless it's her," matigas na turan pa ng ginang.
"I still have things to do, Mom. Excuse me," paalam naman niya at saka muling kinuha ang bag at nauna pa ngang lumabas ng silid.
Napapailing na lang naman tuloy ang ginang. Hindi niya na talaga alam kung ano ang gagawin para magkapalagayan ng loob ang dalawa.