Nagpalipas muna ng ilang araw si Cloud bago magpasyang kausapin si Sky. Matapos kasi ang pagtatalo nila nitong nakalipas na dalawang araw dahil kay Ayesha ay hindi na siya kinikibo nito. Bukas na ang flight nila paalis ng bansa at sa iisang bahay din sila titirang apat while abroad kaya ayaw niya namang magkaroon sila ng gap at maging awkward sila sa isa't-isa habang nandoon sila. Ramdam nga rin niya ang pagkailang ni Storm at Thunder sa malamig na pakikitungo nito sa kaniya sa tuwing magkakasama silang apat habang nag-aayos ng mga kailangan nilang documents from their previous school. Paano kasi ay halos hindi siya lingunin ng pinsan. Siyempre ay pinuntahan niya ito sa bahay dahil panigurado namang hindi rin ito sasagot sakali mang mag-text o tumawag lang siya rito. And of course, para

