"Baby, tinimplahan kita ng favorite juice mo. Inumin mo'to, this is healthy," sambit niya sa asawa na kasalukuyang nagbabasa ng children's rhymes sa natutulog na triplets. Sumenyas pa ito na huwag siyang maingay dahil kakapikit lamang ng tatlo. Nang siniguradong tulog na nga ang tatlo ay tumayo siya at lumapit sa asawa at kinuha ang baso ng juice sa kamay nito. "Thanks," sambit nito at mabilis na ininom ang juice na hawak-hawak. "Yes!" sambit ni Timothy nang makitang inubos niya ang laman ng baso. "Bakit, yes?" "Wala, happy lang ako dahil inubos mo!" "Okay ka lang ba?" "Oo, wait! May ibibigay nga pala ako sa'yo." Kinuha nito ang baso mula sa kamay niya at inilagay sa maliit na bedside table. Hinila nito ang kanyang kamay at hinawakan ang palad niya. "I'll do everything for you, E

