"Pwde ba umayos ka Tim!" itinulak niya ang asawa na nakapatong at yakap-yakap siya. "I just missed you and I'm really thankful that nothing happened to you!" sambit nito. Umalis naman ito at umupo ng lamang sa tabi ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" IKINWENTO SA KANYA NI TIMOTHY ANG LAHAT NG NANGYARI. Simula kay Jethro at ang tungkol kay Melissa na nagpanggap bilang Diane Lovely. Pati na rin ang pagpanggap ni Kate Green bilang siya. Hindi niya maiwasang maluha habang nakikinig sa asawa. Kahit alam niya na tapos na ang lahat eh puno pa rin siya ng takot. "Paano kung may nangyaring masama sa'yo? Hindi ka dapat sumusugod sa labanan kaagad Timothy." "Does that mean that you really care for me?" "Syempre naman." "Hmmm don't worry. Magagaling ang mga Geller sa kahit anumang labanan.Mapara

