Jarred POV "MAY bisita tayo!" masiglang ani Tita Celeste na may kasamang gigil. Napalingon ako sa may pintuan ng kusina kung saan papasok si Tita Celeste na may dalang isang bucket ng fried chicken. Napakunot-noo ako. Sino naman kaya ang bisita namin? Inilapag niya ang dala sa mesa. "Sino po?" tanong ko. Bago pa man niya masagot ang tanong ko. Nakarinig ako ng pagtawa sa labas ng kusina. Napabaling ako sa pinto nang pumasok doon sina Vince at Jasmine na tumatawa. Hindi ko maiwasang mainis sa nakita, naiinis ako dahil napapatawa niya si Jasmine. F*ck! Nagtama ang aming mata ni Vince. Ngumiti siya sa akin. "Good afternoon Bro, pasensya hindi ko alam na nandito pala sina Tita. Bibisitahin ko sana si Jas." aniya na kababakasan ng kislap sa mga mata. "Okay lang yun iho. Mas maganda nga i

