Jarred'sPOV Huminga ako ng malalim ng makapasok si Jasmine sa bahay. Napasandal ako sa hood ng kotse at hinilamos ang mga palad sa mukha dahil sa prosrasyong nararamdaman dahil sa mga nangyari kanina. Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko. Dala ng galit at inis kaya ko nasabi iyon. Huli na ng mapagtanto ko ang mga sinabi ko. F*ck! Napasuntok ako sa semento na nasa harapan dahil sa labis na pagkagalit sa sarili. Nagtamo iyon ng sugat sa aking kamao. Tumulo ang dugo sa aking braso. Hinugot ko ang aking dalang panyo sa aking bulsa at iyon ang ipinantapal ko sa duguan kong kamao. Pumasok ako sa loob ng mansiyon at umakyat sa pangalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang aking kwarto. Nang matapat ako sa pinto ng kwarto ni Jasmine. Sinubukan kong pihitin ang doorknob ng pinto niya at lak

