Jasmine's POV Hindi ko maiwasang mapangiti ng kintalan ako Ng halik ni Jarred sa noo kahit nasa harap si Beatriz at pinagmamasdan kami. Wala akong pakielam kahit nasa harapan pa siya. Oo, ramdam ko na seryuso sakin si Jarred, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alinlangan kanina nang tanungin niya ako tungkol sa kung hindi ko ba siya iiwan, lalo at narito sa harapan namin si Beatriz. Alam kong nasaktan siya dahil wala siyang nakuhang sagot sa tanong niya pero ayaw kong mangako, basta ang maipapangako ko lang mananatili ako sa tabi hangga't kaya ko. May mga pangakong napapako. Hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Naudlot ako sa malalim na pag-iisip ng sumigaw si Beatriz. "Hindi ko akalain na may kalindaang taglay ka pala, Jasmine. Hindi lang pala pagiging katulong ang

