Jarred'sPOV HINDI ko maiwasang mapangiti habang nakatitig sa maamong mukha ni Jasmine habang siya'y natutulog. Mukhang napagod siya sa ginawa namin. Ilang ulit na nag-isa ang aming katawan ngayong gabi. Hindi ako gumamit ng proteksiyon, handa naman akong panagutan siya kung sakali man na magdalang-tao siya. Hinalikan ko siya sa noo, at bumaba ng kama at naligo. Pagkatapos maligo at magbihis. Kinuha ko ang tray na naglalaman ng aming pinagkainan at dinala iyon sa kusina para hugasan. Habang hinihugasan ang pinagkainan, biglang pumasok sa isip ko si Vince. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya na nagkaayos na kami? Sigurado naman na maiintindihan niya iyon. Oo, at pinayagan ko siyang ligawan si Jasmine. Ngunit, puso na ang nagdikta sa aming dalawa ni Jasmine para magka

