Jasmine's POV Nang matapos ang panayam namin kay Georgina Carbonell sa Latez Chikaz. Tumayo na kami ni Jarred at kinamayan si Georgina Carbonell. Naunang kinamayan ni Jarred si Georgina. "Maraming salamat sa panayam Mrs. Carbonell." ani Jarred. Hindi maaring malaman ng mga tao na May koneksyon silang dalawa bilang magkaklase dahil baka iba ang isipin nila. Sa wakas, tapos na rin ang panayam at mukhang nagustuhan ng mga manonood ang sagot namin dahil sinabihan kami ng "Stay Strong". Masaya ako sa naging kalalabasan ng panayam, ay tiyak na tapos na ang aming problema. "Walang anuman, Mr. Racqueza." ani Georgina at sunod naman niya akong kinamayan. "Maraming salamat, Mrs. Carbonell. Sana one of these days makasama ka namin sa isang okasyon o hapunan." ani ko habang magkalapat ang aming

