JasminePOV Nang makaalis si Jarred agad akong lumusong sa bathtub at ibinabad ang katawan doon para mawala ang lagkit na nararamdaman. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ang dahilan ng pagduduwal ko kanina. Biglang nanlaki ang aking mga mata ng maalalang isang buwan mahigit na na ang nakakaraan simula ng datnan ako. Hindi ko naman na kasi iyon napansin nitong mga nakaraang arawvdahil medyo abala ako kaaisip sa mga problema lalo na yung tungkol sa nailathala sa diyaryo. imposibleng mangyari. Baka buntis ako? Hindi rin imposible dahil ilang beses na may nangyari samin ni Jarred at kailanman ay hindi siya gumamit ng proteksiyon. Namula ako ng maalala ang dahilan kung bakitcgusto niya akong mabuntis. Ang taning kung sakaling buntis ako? Handa na ba akong maging ina? Sabagay, ginusto ko

