Kitang-kita na ang mga East Courtyard Disciples ay handa ng lumaban. Biglang umabante ang nangungunang sampong mga disipulo ng East Courtyard ng Flaming Sun Guild na may malaking papel sa nasabing courtyard. Sila ay sina Golden Thumb, Red Umbrella, Sky Wisp, Dragon Reap, Sowing Eagle, Violet Rock, Creeping Hex, Sky Fire, Golden Bow at Silver Light. "Hindi ba kayo titigil sa kahibangan niyo? Itinuturing na kayong walang karapatan dito sa Flaming Sun Guild!" Seryosong sambit ni Maestro Mengyao. Alam nito na sa oras na ito ay wala ng takas ang mga East Courtyard Disciples. "Yun ang inaakala niyo mga guro! Sisiguraduhin naming maging kayo ay madadamay!"nakangising sambit ni Golden Thumb. "Madadamay sa alin? Wala na kayong takas ngayon lalo pa't wala kayong mga galang at nagsimula kayo n

