DEMONYO DAW SI LLIANE

1281 Words
CHAPTER 18 LLIANNE JANE POV Hindi ko alam kung paano ako nakauwi kagabi. Para akong nasa autopilot ang mga paa ko gumagalaw, ang isip ko lutang, at ang puso ko… wasak. Ang malinaw lang sa akin ay ang huling alaala: ako sa gitna ng madilim na field, hawak ang baril, at si Reed ang kapatid ko nakatingin sa’kin mula sa dilim, puno ng pag-aalala ang mga mata. Hindi ko alam kung paano siya nakarating doon. Sinundan niya ba ako? O nauna na siya at hindi ko lang nakita dahil sa sobrang gulo ko? Hindi ko na maalala. Ang alam ko lang ay nagising ako ngayon sa condo ko na may dumadagundong na sakit sa ulo, para bang tumigil ang mundo at binayo ako ng lahat ng problema sabay-sabay. Napatingin ako sa kisame habang nakahiga, pilit na inaayos ang isip ko. Pero habang tumatagal, lalong lumalakas ang kirot. Hindi pwedeng ganito ako buong araw. May trabaho, may responsibilidad, at may imahe akong dapat panindigan. Sa kumpanya, walang dapat makahalata na kagabi halos mabasag ako. Dahan-dahan akong bumangon, inalalayan ang sarili ko dahil parang umiikot ang paligid. Huminga ako nang malalim, pinilit kong lakasan ang loob ko. “Kaya mo ’to, Llianne…” bulong ko sa sarili, kahit pakiramdam ko ay hindi ko talaga kaya. Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Pagbukas ko ng shower, agad akong tumapat sa malamig na tubig. Para bang nililinis nito ang bigat na bumabalot sa dibdib ko, kahit kaunti lang. Pinikit ko ang mga mata ko, hinayaan ang tubig na dumaloy mula ulo hanggang paa. Kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko pero hindi nawala ang sakit ng ulo, at lalo na ang bigat sa puso. Pagkatapos maligo, nagpatuyo ako at maingat na nagbihis ng formal. Kailangan ko ng ayos na magbibigay ng respeto at awtoridad. Hindi puwedeng makita nila akong wasak. Nag-make up ako nang light sakto lang para hindi halata ang pagod, ang puyat, at ang mga matang lumuluha kagabi. Sinuot ko ang blazer ko, inayos ang buhok, at sinuri ang sarili ko sa salamin. Sa panlabas, mukha akong mahinahon. Propesyonal. Matatag. Pero sa loob ko… nagwawala ang emosyon. Kinuha ko ang bag ko, ang susi, at ang cellphone. Isang malalim na hinga bago ko binuksan ang pinto ng condo. Pagkalabas, sinubukan kong iwan lahat ng sakit sa loob kahit alam kong sasama pa rin sila saan man ako magpunta. Pagdating ko sa parking, agad akong sumakay sa sasakyan ko. Habang nasa biyahe papunta sa kumpanya, hindi ko maiwasang maalala ang tingin ni Reed kagabi yung takot, yung pag-aalala, yung parang alam niyang nasa bingit na ako. At sa unang pagkakataon, natakot ako sa sarili ko. Pero kailangan kong maging matatag. Kahit sugatan, kahit pagod, kailangan kong harapin ang araw. Para sa sarili ko. Para sa trabaho. At para sa mga taong hindi dapat mabahala… kahit wasak na ako sa loob. Pagdating ko sa kumpanya, diretso akong naglakad papasok sa loob ng building. Maaga pa, at hindi ko talaga kayang makipagharutan o makipagtalo kahit kanino. Ang tanging gusto ko lang dumiretso sa office, magtrabaho, at huwag munang makipag-usap nang mahaba sa kahit sino. Pero bago pa ako makarating sa elevator, biglang may boses na sumabog sa buong lobby. Isang sigaw na nakakabingi. Isang sigaw na may kasamang matinding galit. “HOY! IMPAKTA KA! SINO KA PARA TANGGALIN AKO SA PWESTO?!” Napahinto ako. Napapikit. Napabuntong-hininga. Putang ina… ang aga-aga, bwisit agad? Dahan-dahan akong lumingon, handa akong kunin ang pasensya kong halos wala na. At doon ko siya nakita si Mary Jane, halatang galit na galit, halos lumulundag ang litid sa leeg sa kasisigaw. Nasa likod niya ang HR na sinisante ko kahapon, na kamag-anak niya pa. Kaya naman napangisi ako. Ah kaya pala may lakas ng loob. Naglakad ako palapit, mabagal, kontrolado, walang bakas ng pagod kahit sa loob ko ay parang sasabog na. “Ako ba ang tinuturo mong impakta?” tanong ko, malamig ang tono. “Oo! Sino pa ba?! Ikaw lang naman ang impakta dito sa kumpanya ng Imperial!” Napatawa ako. Masama. Sadyang nakakapag-trigger ng bwisit ang boses niya. “Ang kapal ng mukha mong mag-iskandalo dito. At lakas pa ng loob, ha? Bakit? Sa tingin mo ba, deserve mong huwag tanggalin? Eh tatanga-tanga ka sa trabaho.” Lumapit siya, nanlilisik ang mata. “BWISIT KA!” Napataas ang kilay ko. “Mas bwisit ka. Gaga ka pala, no? Mumurahin mo ako rito SA LOOB ng teritoryo ko? Huwag mo akong udyokin. Nagpipigil pa ako, baka ihampas ko sa’yo tong bag ko.” Hinamon niya ako. “Sige! Saktan mo ako! Ipakita mo sa lahat kung sino kang ‘bait-baitan’ na bagong CEO kuno!” Doon sumikip ang dibdib ko sa galit. Hindi pa ako sumasagot, nanginginig na ang kamay ko sa pagpipigil. Hindi siya tumigil. “Ano, Llianne Jane Imperial Belfort? TAKOT ka ba? Ipakita mo kung sino ka!” Pagbigkas niya ng buong pangalan ko buong-buo para bang may pumutok sa pandinig ko. Parang biglang nagdilim ang paligid. Hindi ko namalayan, nakalapit na pala ako. Isang mabilis, malakas, at malinaw na SAMPAL ang dumapo sa pisngi niya. Maraming napasinghap sa paligid. Maraming natigil. At halos lahat ng empleyado, nakatingin na ngayon sa amin. “How dare you sabihin ang buong pangalan ko? At sino ka ba? Isa ka lang punyetang empleyado rito na hindi marunong sumunod. Pinapasahod ka nang maayos pero bobo ka gumawa ng simpleng report! Daig mo pa ang CEO kung makauwi ng maaga tagapagmana ka ba?” Halos mabali ang leeg niya sa pagkakalingon, nanginginig sa takot at galit. “KAKASUHAN KITA! Hayop ka! DEMONYO KA!” Napangiti ako. Masama. Mapanganib. “Tanga. Demonyo na ako matagal na. Nagpipigil lang. Pero ikaw? Ikaw ang nag-udyok sa’kin. Bad mood tuloy ako buong maghapon. Kasalanan mo.” “KAKASUHAN KITA! IPAKUKULONG KITA!!” At doon na ako napuno. Hinampas ko siya gamit ang mamahalin kong bag yung tipong hindi niya kayang bilhin kahit magtrabaho siya buong taon. “Gago ka pala, ha?! Ikaw nag-udyok sa’kin na saktan ka, tapos ngayong sinaktan ka MAGKAKASO KA? How dare you?! Unahan na kita trespassing ang una mong kaso. Kasama tong HR mong kasabwat.” “A-ARAY!! ARAY! Ano ba!” “Deserve mo ‘yan, tangina ka.” Biglang sumingit ang HR na sinisante ko nong nakaraan si Solis. “Grabe ka! CEO ka pero ganyan bunganga mo? Ano na lang sasabihin ng mga emple—” “Hindi ko KAILANGANG magbago para sa kanila! Mas okay nga ‘to para makita nila kung sino ako. Para matuto sila. Para HUWAG nila akong subukan. Ayoko sa tatanga-tanga. Binabayaran kayo nang tama, tapos gagaguhin niyo ang trabaho niyo? PAKYU sa mga tamad at bobo.” Bubuka pa sana ang bibig ko nang biglang dumating sina Fred at Carmelle, hingal na hingal, halatang tumakbo. Napatingin ako sa paligid lahat ng empleyado, nasa gilid. Nakatigil. Nakikinig. Naka-record pa ang iba. Ayos lang. Tumayo ako nang diretso, tinaas ang baba ko, at malakas kong sinabi “Sa LAHAT ng nanonood tandaan n’yo ‘to. AYOKO sa tatanga-tanga sa trabaho. Aral ‘to. Tinanggal ko sila dahil bobo at basura ang gawa nila. Kung nagvi-video kayo, SIGURADUHIN n’yong mula umpisa para walang putol. Kung hindi kakasuhan ko kayo.” Tumuro ako kina Mary Jane at Solis. “At kayo? Hindi ako nagsisising tanggalin kayo. MARAMI PA KAYONG KASAMA. Hahalungkatin ko ‘yan. Isa-isa. Binigyan ko na kayo ng chance. Wala pa ring improvement? Edi OUT.” Isang malamig na tingin. Isang malakas na pag-ikot ng takong. Naglakad ako palayo, hindi na sila nilingon. At habang papunta ako sa elevator, isang bagay lang ang malinaw: Wala nang makakahamon kay Llianne Jane Imperial Belfort nang hindi nanginginig sa takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD