CHAPTER 3
LLIANNE JANE POV
Matapos ang eksena kanina sa lobby, bumalik ako sa opisina ko na halos umuusok pa rin ang ulo. Napaupo ako sa swivel chair ko at napatingin sa table na punô ng papeles mga dokumentong dapat kong basahin, aprubahan, at pirmahan. Isa roon ang report na iniabot sa akin ni Carmelle kanina, na ayon sa kanya ay “urgent.”
Kinuha ko iyon at sinimulan kong basahin. Pero ilang segundo pa lang, napakunot na ang noo ko. Pagdating ko sa kalagitnaan, napamura na ako sa sobrang inis.
“Punyeta naman ‘to,” bulong ko sa sarili ko, pero ilang sandali lang ay hindi ko na napigilan. “PUNYETA!!”
Malakas ang sigaw ko enough para umalingawngaw sa buong hallway. Ilang segundo lang, bumukas ang pinto ng opisina ko. Dumungaw sina Fred at Carmelle, halatang natataranta.
“Ma’am?” sabay nilang tanong.
Hindi ako sumagot. Sa halip, dinampot ko ang report at malakas na binato sa kanila. Tumama iyon sa mesa at nahulog sa sahig, nagkalat ang mga papel.
“Sinong gumawa nitong pesteng report na ‘to, ha?!” mariin kong tanong, halos pasigaw na.
Tahimik lang silang dalawa, nagkatinginan at nagsikuhan na parang mga batang nahuli sa kasalanan. Lalo lang akong nainis kaya tumayo ako mula sa swivel chair at lumapit sa kanila, matalim ang tingin.
“Hindi kayo magsasalita? Gusto n’yo bang ma-terminate kagaya ni Solis?” malamig kong sabi.
Si Carmelle ang unang sumagot, nanginginig pa ang boses. “Ma’am, si Mary Jane po... galing po sa design department. Sabi po niya okay na raw ‘yan.”
“Hindi mo man lang binasa bago mo ipasa sa akin?”
“Hindi na po, ma’am... kasi nagmamadali na rin po. Kailangan na raw po ng signature n’yo.”
Napairap ako nang mariin, halos mamilipit sa inis. “E pautangina, paano ko pipirmahan ‘yan kung ganyan ang gawa?! Walang format, walang coherence, mali-mali pa ang figures! Akala mo grade school project!”
“Pasensya na po, ma’am,” mabilis na sagot ni Carmelle. “Ipapaulit ko na lang po sa kanya.”
“Ipaulit? Mauulit ba ‘yan ngayon?!” humigpit ang tono ko. “Kailan pa ba ‘to pinagawa? Dapat matagal na ‘to bago pa mag-deadline, ‘di ba? Bakit ngayon lang pinasa? Deadline na nga, sablay pa!”
“Pasensya na po, ma’am. Kakausapin ko na lang po,” singit ni Fred, pero bago pa siya makatapos, tinapunan ko siya ng malamig na tingin.
“Pasensya? Hindi ako tumatanggap ng pasensya! Ano ba tinapos ng empleyadong ‘yan, ha? BS in Katamaran?”
Tahimik silang dalawa. Halos marinig ko ang tiktak ng wall clock sa likod ko. Inis na inis ako kaya sabi ko, “Ipatawag mo siya, Fred. Gusto ko siyang makausap ngayon din.”
Bumalik ako sa swivel chair ko, napahilot sa sentido. Sa isip ko, ang daming bulok sa sistemang ‘to. Kung ganito lahat ng empleyado, baka kailangan ko talagang maglinis ng bahay simula sa mga walang pakialam sa trabaho.
Lumipas ang ilang minuto bago bumalik si Fred. Pero pagtingin ko, mag-isa lang siya. Wala ‘yung pinapatawag ko.
“Nasaan?” malamig kong tanong.
“Uhm... ma’am, umuwi na raw po si Mary Jane.”
Napalakas ang palo ko sa mesa. “UMUWI?! Anong oras na?! Alas-diyes pa lang ng umaga!”
Tahimik si Fred. Si Carmelle naman, napatingin lang sa sahig.
“Umuwi matapos magpasa ng basura? Sino siya, ha? Anak ng CEO?! Nauna pa sa akin?”
“Gano’n po talaga siya, ma’am,” sabi ni Carmelle nang may kaba. “At nakakainis na rin po kasi parang siya pa po ang boss kung umasta.”
Napansin kong siniko siya ni Fred, halatang pinatitigil. Mabilis kong dinampot ang sharpener sa mesa at ibinato sa tuhod ni Fred.
“Aray!” napatili siya, napaluhod.
“Punyeta ka, Atienza!” sigaw ko. “Kanina pa kita nakikitang sinisiko si Carmelle. Pinipigilan mong magsalita. Bakit, ha? Ayaw mong mabunyag mga baho ng mga empleyado rito?”
“Natatakot lang po ako, ma’am...” halos pabulong niyang sagot.
“Natatakot? Kanino?! Sa kanila o sa akin?!” Lumapit ako at tumayo sa harap niya, pinandidilatan ko siya. “Mas higit pa sa ginagawa nila sa’yo ang kaya kong gawin. Isang salita ko lang, tanggal ka. Kaya kung ayaw mong mawalan ng trabaho, tigilan mo ‘yang pagpigil sa mga taong nagsasabi ng totoo.”
“Naiintindihan ko po, ma’am. Pasensya na po, ma’am Llianne,” nanginginig niyang sagot.
Huminga ako nang malalim para kumalma kahit kaunti. “Ngayon, tawagan mo ‘yang Mary Jane. Pabalikin mo rito ngayon na. Ipaulit mo sa kanya ‘tong pesteng report na ‘to bago ko ipahabol sa HR ang termination letter niya.”
“Opo, ma’am,” sagot ni Carmelle, sabay labas ng opisina kasama si Fred na iika-ika.
Pagkasara ng pinto, napabuntong-hininga ako. Tinitigan ko ang nagkalat na papeles sa sahig, parang gusto ko na lang silang sunugin.
“Putang ina talaga,” bulong ko sa sarili ko. “Kakasimula pa lang ng araw ko, ganito na agad. Mga empleyadong akala mo may-ari ng kumpanya kung umasta.”
Napatingala ako sa kisame, pinilit kalmahin ang sarili. Pero kahit anong gawin ko, ramdam kong kumukulo pa rin ang dugo ko. Hindi ko alam kung sinusubok lang ba nila kung hanggang saan ang pasensya ko o gusto na talaga nilang mapatalsik.
Sa isip ko, itong kompanyang ‘to... aayusin ko ‘to kahit magkalat ng dugo sa sahig. Hindi ako nagbalik para magpaloko. Hindi nila alam kung sino ang kaharap nila ngayon.
At sa isang sulok ng isip ko, naramdaman kong may kakaibang ngiti sa labi ko. Hindi ngiti ng tuwa kundi ng isang babaeng handang gibain ang bulok na sistema.
Napapikit ako habang nakasandal sa swivel chair, pilit pinapakalma ang sarili ko. Pero kahit anong hinga ko ng malalim, parang lalo lang kumukulo ang dugo ko. Tangina talaga, bulong ng isip ko. Hindi ko alam kung tanga ba ang mga empleyado dito o sadyang sinusubukan lang talaga nila kung hanggang saan ang pasensya ng bagong CEO.
Pinagmasdan ko ang report na nagkalat sa sahig matapos kong ibato kanina. Mga papel na punô ng erasures, maling figures, at grammatical errors na parang galing sa estudyanteng hindi nag-aral. Ito na ba ‘yung sinasabi ni Mommy na “maayos na team”? Kung ganito ang kalidad ng trabaho nila, hindi na nakapagtataka kung bakit ilang beses muntik banggain ng ibang kumpanya ang Imperial Enterprises.
Kumidlat ang ugat sa sentido ko habang binabalikan sa isip ang sinabi ni Fred. Umuwi na raw si Mary Jane. Aba, ang kapal din ng mukha. Wala pa ngang alas-dose, naglaho na agad. Nauna pa sa CEO at may lakas ng loob pang magpasa ng report na parang ginawa ng walang pakialam.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad paikot sa opisina, sinusundan ng malalim na buntong-hininga. Ramdam kong namumuo na naman ang inis sa dibdib ko. Kailangan kong maging mahinahon, sabi ko sa sarili ko. Pero paano kung lahat ng nasa paligid ko, parang sabay-sabay na sumasayaw sa linya ng pasensya ko?
Bumukas ang pinto sina Fred at Carmelle. Pareho silang halatang kabado, lalo na si Fred na may bahagyang pilay pa rin.
“Ma’am…” maingat na sabi ni Carmelle. “Tinawagan na po namin ulit si Miss Mary Jane, pero… hindi pa rin po siya sumasagot. Off pa rin ang phone.”
Napatitig ako sa kanila. Tahimik. Wala akong sinasabi pero alam kong nararamdaman nila ‘yung bigat ng tingin ko. Si Fred, napalunok. Si Carmelle naman, nag-aalangan kung magsasalita.
“Hindi pa rin sumasagot?” malamig kong tanong.
“Hindi pa po, ma’am.”
Tangina talaga. Napailing ako at marahang tumawa, pero hindi ‘yung masayang tawa ‘yung delikadong uri.
“Ang galing. Hindi lang tamad, bastos pa. Wala nang respeto, kahit sa posisyon.”
Tahimik sila. Walang gustong sumagot. Alam nilang kapag nagsalita sila sa maling tono, baka sila na ang sumunod na mawalan ng trabaho.
“Fred,” tawag ko, mabagal pero mabigat.
“Ma’am?”
“Ilabas mo sa system ang listahan ng lahat ng empleyado sa design department. Ngayon na.”
“Opo, ma’am.” Agad siyang umalis, at naiwan si Carmelle sa loob.
Nakatingin siya sa akin, halatang may gustong sabihin pero natatakot. “Ma’am… kung maaalala nyo po, matagal na pong may reklamo laban kay Mary Jane. Madalas po siyang late magpasa ng output. Pero…”
“Pero?” tanong ko habang nilalaro ang pen sa kamay ko.
“Pero po kasi, pamangkin po siya ng HR manager.”
Saglit akong natigilan. Tumaas ang kilay ko. “Ah,” napangiti ako nang mapait. “So nepotism. Kaya pala. Kaya pala walang takot sa mga deadline. Kaya pala mayabang sa mga kasama. Kaya pala ganito ang kalidad ng trabaho.”
Tumango si Carmelle, halatang nakahinga nang kaunti nang hindi ko siya sigawan.
“Kung totoo ‘yan,” sabi ko, “mas lalo kong gustong makita ‘tong Mary Jane na ‘to. At kung pati ‘yung HR manager ay nagtatago sa kanya, pareho silang lalabas ng building na ‘to ngayong araw.”
Tahimik ulit si Carmelle. “Ma’am… gusto nyo po bang ipatawag ang HR manager ngayon?”
“Huwag muna,” sagot ko. “Gusto kong makitang gumapang sila mismo papunta rito. Gusto kong maramdaman nila kung gaano kahirap humarap sa taong matagal na nilang minamaliit.”
Pagkatapos kong sabihin ‘yon, muling bumalik si Fred dala ang tablet. “Ma’am, ito na po ‘yung listahan ng mga empleyado sa design department.”
Kinuha ko iyon at mabilis na tiningnan. Ilan lang pala ang miyembro ng department na ‘yon pitong tao. At karamihan sa kanila, mahina ang performance rating. Hindi lang pala si Mary Jane ang problema rito, buong departamento pala.
“Fred,” sabi ko, “schedule a meeting with the entire design department. 8 AM tomorrow. Walang late. Kapag may na-late, terminated agad.”
“Opo, ma’am.”
“At Carmelle,” tumingin ako sa kanya, “gusto kong ayusin mo lahat ng pending files ng HR. I want full access to employee records, performance reports, and disciplinary actions.”
“Opo, ma’am. Pero…” saglit siyang nag-alangan, “baka po magreklamo ‘yung HR manager, kasi po siya lang ang may karapatang”
“Huwag mong tapusin ‘yung sentence na ‘yan,” putol ko agad. “Ako ang may-ari ng kompanyang ‘to. Walang karapatang mas mataas sa akin. Isipin niyang hari siya dito, pero sa isang pindot ko lang, mawawala siya.”
Tahimik silang dalawa, halatang hindi makatingin ng diretso sa akin.
Huminga ako nang malalim. “You can both go now. I’ll review the rest of these files myself.”
Pagkaalis nila, napasandal ulit ako. Ilang segundo lang, dumulas ang kamay ko sa ulo at napahawak sa buhok ko. Napahawak ako sa sentido habang napapikit.
First day pa lang, pero parang gusto ko nang magbitiw.
Hindi ko alam kung ito ba talaga ang mundo ng mga magulang ko noon puno ng takot, pakitang-tao, at mga taong marurumi sa loob. Sabi ni Mommy dati, “Anak, huwag mong hayaang kainin ka ng posisyon.” Pero paano kung ako ‘yung kailangan manlamon? Paano kung ang tanging paraan para magtagumpay ay maging mas matapang mas mabagsik kaysa sa kanila?
Tumingin ako sa picture frame ni Mommy Hazel sa mesa ko. Maganda pa rin ang ngiti niya roon magaan, parang walang problema. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung kaya kong maging katulad niya.
“Mom,” bulong ko, “hindi ko alam kung kakayanin ko ‘to sa istilo mo. Hindi ako ikaw. Hindi ako marunong ngumiti habang nilalamon ako ng mga traydor.”
Muling napatingin ako sa labas ng bintana. Sa baba, kitang-kita ko ang mga empleyadong naglalabasan halatang nagmamadali. Marahil sa kanila, isa lang akong mataray na boss. Pero balang araw, maiintindihan nila kung bakit ganito ako.
Kung gusto nilang may CEO na nakangiti, bumalik si Mommy. Pero habang ako ang nandito, lahat sila matututong sumunod at matakot.
“Simula pa lang ‘to,” bulong ko, habang muling kinuha ang report na binato ko kanina. “At kung kailangan kong sirain ang buong sistema para maitama, gagawin ko.”
Napangisi ako nang marahan. Welcome to my reign, Imperial Enterprises. This time, the devil runs the empire.