Chapter 36

2072 Words
Chapter 36: Vacay Mode Grey’s POV ‘Wag kang lilingon On the way kami papuntang Rest house nila Jayvee sa Laguna. Nauna na si Jayvee na pumunta sa Laguna para maayos na yung lugar kaya kaming tatlo na lang nina Deign at JC ang nasa sasakyan. Sinabi ng parents namin na basta 24 ng hapon ay dapat nakauwi na kami. Pinisil na lang bigla ni Deign yung pisngi ko. "Ihhhhhh Kuchi kuchi! Ang cutie mo talaga!" Ano bang nakain nito at tuwang tuwa to sa akin ngayon. At piningot naman ngayon ni Deign yung ilong ko. "Ano'ng meron sa'yo ngayon? Ano'ng nakain mo?" tanong ko kay Deign. "Wala lang! Masama bang manlambing?" "Ay aba sa harapan ko pa talaga." Sumingit si JC. Pagkatapos magsalita ni JC ay tinigilan na ako ni Deign at yung malaking teddy bear naman ang pinagdiskitahan niya. "Oy baka naman matanggal na ang mata't ilong niyan." At niyakap yakap naman niya ngayon yung teddy bear. Halatang pinaggigigilan niya. "Sana ako na lang yung teddy bear." "Bakit naman?" tanong ni Deign sa akin. "Para ikaw ang lagi kong kayakap. Sus! Selos na naman siya." "Na naman?" Pagkalipas ng ilang minuto ay nakatulog ako sa hita ni Deign. Nakatulog ako ng mga ilang oras. "Uy! Uy! Gumising ka Mr. Dense." Sabay may naramdaman akong may humalik sa ilong ko. "Ikaw talaga Mrs. Dense ah!" Sabay halik ko sa kamy niya. "Nako! Hanggang dito ba naman. Di ba talaga kayo titigil?" pagtatanong ni JC. "Wag kang mag-alala nandiyan lang si Jayvee." Sabi ni Deign. "Lambingin mo na rin siya." "Manahimik ka nga diyan." At lumabas agad ng sasakyan si JC. "Jayvee! Jayvee!" At sumunod na kaming bumaba ng sasakyan ni Deign. "Hoy! JC! Tulungan mo naman kami magdala ng gamit!" Sigaw ni Deign. "Andiyan na!" sagot ni JC. At ipinasok na namin lahat ng gamit sa loob. Napakaganda ng lugar. Napakapresko ng hangin at napakarefreshing sa lungs. Napakaganda ng rest house nila Jayvee. Parang mansion. O mansion talaga? Napakalawak ng lugar. May malawak na taniman sa kanan, may pool sa likod ng bahay at may dagat naman sa harapan. May hot spring place din sila kalapit nung pool area. Napakayaman talaga nila. "Welcome sa Villa Romana!" Masayang bati ni Jayvee sa amin. "Yung kwarto natin JC at Grey ay nasa third floor. Yung kwarto mo naman Deign ay nasa second floor." "Mag-isa lang ako! Tapos kayong tatlo magkasama?" reklamo ni Deign. "Bakit, gusto mo sama sama tayo dun sa kwarto?" tanong ni Jayvee. "Oo sana." Malungkot na sinabi ni Deign. "Sasamahan ko na lang siya." Sabi ko. Ok! Ikaw ang bahala." At pumayag na si Jayvee. "Tara na JC sa kwarto natin." At kami naman ni Deign ay pumunta na sa kwarto namin. "So ganito ang magiging arrangement natin. Ikaw sa sahig ako sa kama." Sabi ni Deign. "Edi mas mabuti pang lumipat na lang ako ng kwarto ." sagot ko. "Ehhh... sige na Mr. Dense." Pilit ni Deign sa akin. "Lilipat na lang ako." Sabay akmang lalabas ako ng kwarto. "Sige na nga! Ako na sa sahig tapos ikaw na sa kama." At umatras ako pabalik sa loob. "Sige na ako na sa lapag ikaw na sa kama." Sabi ko. "YEHEY!" sabay hug niya sa akin. "Oh tara na bumaba na tayo." Pagbaba namin ay nakita naming nakaupo na sa mesa sina Jayvee at JC. "Oh! Akala ko hindi na kayo lalabas sa kwarto niyo ah." Sabi ni Jayvee. "Tara kumain na tayo ng tanghalian bago tayo maglibot." At nananghalian na kami. Pagkatapos nun ay naglibot na kami. Una naming pinuntahan yung backyards nila kung saan malapit sa pool area. "Yan yung St. Florencse statue diba? Tas yun yung golden pilgrim ni Amadeus!" Sabi ni Deign. "Oo tama ka." Sagot ni Jayvee. "Ang gaganda naman ng mga bulaklak dito. Yun yung santan, ayun naman yung white angel tapos yun naman yung sun flower tapos may roses pa sa kabila!" "Bakit kaya hindi na lang ikaw ang magtour sa amin? Kanina ka pa ah. Ang dami mong alam." Wika ni Jayvee. "Ito na nga tatahimik na ehh." "Tara dun na tayo sa beach resort." Yaya ni Jayvee. "Alam niyo na naman lahat to ehh and there's nothing special here except the 'beautifulness' of this place." "Tara! Dun yung entrance oh." Singit ni Deign. "Nako isa pa. bibigyan na kita ng parangal bilang tour gide of the century." "'To na po. Titigil na." At pumunta na kami sa beach resort. Hinila ko si Deign palapit sa dagat. At nagsimula na kaming magbasaan. "Pwe! Ang alat!" sambit ni Deign. "Ito pa!" At patuloy kong binasa si Deign. "Anak ng tinapa! Nababasa niyo rin ako oh! Hindi pa nga ako naka bathing suit eh." Sabi ni Jayvee. "Hintayin niyo ko magpapalit lang ako. Tara JC magpalit na tayo." "Hindi ko na kailangang magpalit. Huhubarin ko na lang 'tong damit ko." "Ah ganun ba. Oh sige!" parang nainis si Jayvee. "Sige na nga di na ako magpapalit." At nakisama na sa basaan si Jayvee. "Hubarin mo na damit mo JC." Utos ni Jayvee. At ganun na nga ang ginawa ni JC. Hinubad na niya yung damit niya. "Tignan mo nga naman oh! Napakaganda ng view. Pahingi nga ng kanin, nandito na ang ulam ko. Yum yum yum!" pagtatakam ni Jayvee. "Nako! To talagang baklang to." Wika ni Deign. "Bakit anong problema mo sa akin aber?" Deign’s POV At nagswimming na kami ng nagswimming. Naghabulan, nag beach volley ball, nag bananaboat, scuba diving, jet ski at, boating. Kinagabihan ay nagbonfire kami sa may dalampasigan. "Oh ano, masaya ba?" tanong ni Jayvee. "Tara magkwentuhan tayo ng nakakatakot." Suggestion ni JC. "Nako mukhang maganda 'yan.' Sabi ni Grey. At nagsimulang magkwento si Jayvee ng mga storyang nakakatakot. "Alam niyo ba yung storya tungkol jan sa bahay?" tanong ni Jayvee. "Hindi." Sabay sabay naming sagot. "Pwes oras na para ikwento ko ito sa inyo. Isang gabi yung mag-asawang caretaker ng rest house namin ay dun nakatulog sa kwarto sa 3rd floor. Tapos - " "Wag mo na ngang ikwento yan!" sabi ko. Pero ipinagpatuloy pa rin ni Jayvee yung kwento. Mas lalo tuloy akong natakot. Parang ayoko ng matulog dun sa rest house. "At nasa likod mo na sila DEIGN!" sinigaw ni Jayvee. At nagulat ako ng sobra sobra. Napakapit ako kay JC. "Nakakainis ka naman Jayvee eh. Di naman totoo 'yang storya mo." Sabi ko. "Well... ikaw na ang bahala kung maniniwala ka o hindi." Sumunod na nagkwento si JC. "Sa isang resort ay may nagbabakasyong babae. Ang napili niyang kwarto ay number 667 katabi ng 666. Edi ipinasok na yung mga gamit niya sa room number 667. Kinagabihan ay hindi makatulog yung babae kasi may naririnig siyang kung anu-ano. Mga sigawan, kakaibang tunog at isang ring tone ng cellphone. Kinaumagahan ay tinanong niya yung tagalinis ng kwarto. Tinanong niya kung may multo daw ba sa room 667. Pero ang sagot nung tagalinis ay wala pero sa room 666 daw ay meron. So dahil dun ay medyo nabawasan yung takot niya. Habang papasok na siya sa kwarto niya ay di niya napigilang sumilip sa butas sa may pintuan yung kung saan pwede mo masilip yung nasa labas. Pagkasilip niya ang nakita niya ay puro pula na medyo may pagka orange na red orange basta. Tinanong niya ulit sa tagalinis ng kwarto kung bakit pula yung nakita niya. At ang sabi ng tagalinis ay loob raw ng mata ang nakita niya." "Grabe naman yang kwento mo. Mas makatotohanan. Nakakatakot." Sabi ko habang nakataas ang balahibo ko sa buong katawan. "So sinasabi mo talagang imbento ko lang yung sa akin? Humanda ka!" wika ni Jayvee. At ang huling nagkwento ay si Grey. Hindi ko na lang pinakinggan ang kwento niya at kunwari na lang akong nakikinig. Winawasiwas ko na lang yung mga buhangin. At pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na siyang magkwento at nagyaya na si Jayvee na bumalik na sa rest house. "Oh sige Deign mauna ka na sa kwarto dito na ako iihi lalabas na eh." Sabi ni Grey. "Oh sige. Bilisan mo ah." At sumabay akong umakyat kina Jayvee at JC. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagtaka na ako kung bakit ang tagal naman ni Grey. Naalala ko tuloy yung kwento ni Jayvee na namatay sa CR yung asawa nung babae. Tumaas bigla lahat ng balahibo ko. Natakot ako at nanginig. Kakaibang pakiramdam ang nararamdaman ko. Para bang may nakasilip sa akin sa likod ko. Tumakbo ako palabas ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto ay nakapatay na ang lahat ng ilaw. Naramdaman ko na namang parang may nakatitig sa akin. Lalo akong kinilabutan. Biglang may kakaibang tunog akong narinig. Naalala ko naman yung kwento ni JC. Tumingin ako sa butas ng pinto at nanggilalas ako sa nakita ko. Kulay pula na may pag ka orange. Napasigaw na ako sa takot. "MATA!!!! MATA!!!" sigaw ko. "GREY!!!!! Nasaan ka ba!!!!?" At binilisan kong pumasok sa kwarto at kinuha ko yung cellphone ko para may flash light ako. Nagmadali akong bumaba sa second floor. Pinuntahan ko yung kwarto nila Jayvee. Kumatok ako ng maraming beses at walang sumasagot. Pinihit ko yung door knob at bumukas yung pinto. Pumasok ako sa loob. "JC? Jayvee? Nandiyan ba kayo?" Biglang lumagabog yung pintuan. Napatumba ako sa sobrang gulat at nginig sa tuhod ko. Napaatras ako papunta sa kama. Bumukas bigla ang bintana. May narinig akong ingay mula sa bubong. Napakabilis na ng t***k ng puso ko. Sobrang takot na takot na ako. Pagkaatras ko sa may kama ay biglang may humawak sa braso ko at niyugyog pa niya ang braso ko at napasigaw na naman ako. "Mama ko!!!!!!!!!!" sigaw ko. "Oy! Tumigil na kayo! Ayoko na! takot na takot na ako! Nasaan na ba kayo Grey?" At walang sumagot. "Moooooommy... Mommmmmy..." may nagsalita. "Sampung mga daliri kamay at paa." Paulit ulit na kinanta. At humiga ako sa kama. Nagtakip ako ng kumot, pumikit at nagdasal. Nagbukas patay yung mga ilaw.Nakakita ako ng anino na papalapit sa akin. Kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto pababa sa first floor Pagbaba ko sa first floor ay may naamoy akong mabaho. Parang amoy patay na ewan. "Teka amoy patay? Wag mong sabihing may bangkay dito." At tumingin ako sa paligid. Napahinto yung mata ko sa may CR at may nakita akong katawan ng tao na nakahiga malapit sa pintuan. Kumaripas ako ng takpo at lumabas ako ng bahay.Pagbukas ko ng pinto... "Oh! Anong nangyari sa'yo?" tanong sa akin ni Grey. "Bakit parang takot na takot ka? Tanong ni Jayvee. "Ayoko na! Ayoko na matulog dito. Mamamatay na ako sa takot dito. May multo sa buong bahay. May patay dun sa CR sa may first floor. Ayoko ng pumasok. Sige na umalis na tayo dito." At napaiyak ako. "Sige na umuwi na tayo." At yumakap ako kay Grey. "Tama na tama na. Nandito na ako. Wag ka ng matakot. Sasamahan kita. Tara na sa loob." At wala akong nagawa. Pumasok na kami sa loob. Sila Jayvee ay dumirretso na sa 2nd floor at kami naman ay dumiretso na sa 3rd floor. Hindi na sa lapag natulog si Grey. Pinatabi ko na siya sa akin at pinapaikot ko sa kaniya yung braso niya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo, sa ilong, at sa lips. Dahil sa ginawa niya ay parang nakalimutan ko na ang lahat ng nangyari sa akin kani kanina lang. At dahil sa mainit niyang yakap ay sa wakas at nakatulog na rin ako. Grey’s POV Naguilty ako sa ginawa namin. Pero hindi ko naman talaga ito pakana. Sina Jayvee ang may gawa nun. Ang akala kong gagawin nila ay simpleng panggugulat o pananakot lang pero sobra ang ginawa nila. Sobrang natakot tuloy si Mrs. Dense ko. Naawa ako sa kaniya nung umiyak na siya sa harapan ko. Parang gusto ko ng sapakin sina Jayvee pero siyempre hindi ko iyon magagawa. Ayoko namang magmalinis pero hindi ko na hahayaang maulit ulit ang ganito. Nagstay pa kami ng isang buong araw. Sa pool at hot spring naman kami nagsaya at nagkatuwaan. Kinagabihan ay umuwi na kami. "Guys! Siguro last na ito. I need a huge change. I really need to change. So pagkanakita niyo na ako ulit baka akalain niyong action star na ako." Sabay tawa ni Jayvee. "Bakit pang kailangan mong magbago?" tanong ko. "Para sa parents ko, para sa akin, at para sa buhay ko. Wala naman masamang subukan diba." At naiyak kaming lahat. "See you soon Jayvee. Hindi kami mag-gugoodbye sa 'yo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD