Chapter 52: Confused? Confused. Grey’s POV Pumunta na sa kwarto sina Jayvee at Deign at ganun din ako. Inayos ko muna ang gamit ko then bumaba na ako para makapaghapunan na. Habang kumakain kami ay di mapigilan ang bibig nitong si mama. Panay ang tanong kay Deign. Para bang 10 years di nagkita. "Grabe Deign! Angn laki na ng ipinagbago mo. Ang ganda ganda mo na ngayon!" panay ang puri ni mama kay Deign. "Dalagang dalaga ka na iha." Singit ni papa. "Kaya nahulog 'tong anak ko sa yo eh." Biglang tigil ni mama. "A- Ba- nahulog? Ano pong nahulog?" tanong ni Deign. "Ah i mean kaya paborito kang kaibigan ni Grey." Palusot ni mama. "Diba Grey?" sabay tingin niya sa akin. "Oh kamusta naman buhay?" tanong na naman ni mama. "Ok naman po ako. Maayos naman po ako." Sagot ni Deign. "Saan ka n

