Chapter 24

1881 Words
Chapter 24: Bonding Grey’s POV Lumabas ako ng classroom nang makita kong niyakap ni Deign si JV. Nabwisit ako nang mga oras na iyon. Nakaramdam ako ng pakiramdam na hindi ko maintindihan. Nakaramdam ako ng inis sa sarili ko. Dumiretso ako sa may plant box sa tapat ng room namin kung saan nandun sila Rence. May ilang minuto pa naman bago magsimula ang klase. "Oh bro! bakit parang inis na inis ka?" tanong sa akin ni Royce. "Eh, basta!" sagot ko. "Ikuwento mo na 'yan. Sige ka mamaya sumabog ka na lang bigla." "Eh kasi naman si JV ehh kayakap niya kanina si Deign." "Nako bro! Problema nga ‘yan." "Problema talaga." "Problema nga ‘yan ng sarili mo. Nagseselos ka kahit sa bading.” Pang-aasar ni Rence. At nakita kong lumabas ng room si JV at Deign. "Nagseselos si Grey! Nagseselos si Grey!" sigaw nila Kiel. "Tumigil nga kayo baka marinig kayo." sabi ko. At nag-ring na ang bell kaya pumasok na kami sa classroom. First subject namin ay English. So as always, every first day of classes ay nagpapakilala. Pero itong teacher namin ay may twist na gagawin. At ang twist na ‘yon ay may i-p-pair siya sa bawat isa sa amin tapos i-interview-hin then after 5 minutes ay magpapakilala na sa harapan. Hindi namin ipapakilala yung sarili namin yung nag-interview yung magpapakilala sa amin. During breaktime, sa loob ng classroom ay napansin kong hindi naman lalabas si Deign kaya tinabihan ko siya at sabay kaming kumain. "Uy Grey! Share-share ulit tayo. Nakaka-miss yung mga baon mo." Sabi niya tapos sabay ngiti. Hay, ito na naman siya. Nakita ko na naman ang mapangtunaw niyang ngiti. Sino ba namang hindi makakahindi sa kaniya kung ang bungad lagi sa ‘yo ay ang matamis niyang ngiti. "Sige ba! Tamang-tama ampalaya ulam ko." "Akala ko pa naman... nako!" Tumawa ako. "Ay oo nga pala ayaw mo rin ng amplaya. Pero ayoko namang sayangin to." Sabi ko. "Eh, ako rin ampalaya ulam ko, ehh." sabi ni Deign. "Masusuka na ako rito." At pinilit naming kumain ng kahit kaunti. Pero hindi namin kinaya. Napakapait! ‘Sing pait ng mga bitter na unti unting kumakalat sa buong campus. Kaya napagpasyahan naming pumunta na lang sa canteen. Pagdating namin agad sa canteen ay nakita kong nandun ang paboritong pagkain ni Deign, ang sinigang. So yun ang binili ko para sa akin at sa kaniya. "’Wag mo nang bayaran." Sabay ngiti ko sa kaniya. "Sabi mo, eh!" sabay ngumisi siya. "Pero salamat, ah!" At nagsimula na kaming kumain. "Nakakainis na yung teacher natin sa UCSP, ah." Reklamo ni Deign "Grabe magpa-quiz" "Ano na po? Never heard" at sabay kaming tumawa. Ginaya ko yung favorite line ng teacher namin. "Gayang-gaya mo siya" At tumawa siyang muli. "Isa pa!" Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero nung tumawa siya ulit ay napatitig na lang ako sa kaniya. Sino ba namang hindi mapapatitig sa magandang mukha niya na sinasabayan pa ng maala-anghel na ngiti sa kaniyang labi. Sobrang masaya ako ng mga oras na iyon kaya bigla ko na lang itong nasabi: "Ang ganda mo lalo pag nakangiti ka." At nagkaroon ng saglit na katahimikan. "Ano ulit yung sinabi mo?" tanong ni Deign. "Ah wala. Sabi ko ayoko ng ulitin." Sabay nginitian ko siya. "Uy oo nga pala! Naalala ko. Bukas na birthday ni JV. Ano na gagawin natin?" "Bilhan natin ng regalo at cake. I-surprise natin bukas!" "Okay." Nung uwian ay napagkasunduan naming dumiretso na sa mall para makabili ng regalo at makapili na ng cake. So nagpasundo na si Deign at umalis na kami sa school. Habang nasa stop light kami ay may nakita akong mga bata na nakaupo sa may sulok sa isang tindahan at mga mukhang pulubi sila. "Akin na yung natira mong baon kanina." Sabi ko kay Deign. "Bakit? Kakainin mo?" tanong niya. "Hindi. Basta akin na." at binigay na sa akin ni Deign. Binuksan ko yung pintuan ng sasakyan at bumaba at pagkatapos ay binigay kina Kiel at Jen ang pagkain na natira namin ni Deign. “Salamat, Kuya!” wika ni Kiel at Jen. Biglang nag-green yung stoplight at umandar na yung mga sasakyan. "Hoy! ‘Wag niyo akong iwan!" sigaw ko. Ang laughtrip ng nangyari dahil sa kabilang kanto pa ako muling nakasakay sa sasakyan. At sa wakas ay nakarating na rin kami sa mall. Grabe nakakapagod tumakbo. Pagpasok namin sa loob ng mall ay dumiretso agad kami sa CR at nagpalit ako ng damit at ganun na rin si Deign. Pagkatapos nun ay nagsimula na kaming mag ikot-ikot. "Ano kayang pwedeng bilhing pangregalo sa kaniya?" tanong ni Deign. "Yung paborito niya." "Eh ano bang paborito niya?" "Ang alam ko gusto nun mga damit na pangbabae." "Mga dress at gown?" "Oo. Pati na rin ata make-up set, heels, accessories at kung anu-ano pang pambabaeng bagay." "Mukhang madadalian tayo. Tara dun tayo sa kakilala ng mama ko." "You're the best!" sabay wink ko sa kaniya. At tama nga siya. Mabilis lang kami natapos. Nakabili kami ng heels at make-up something para sa pangregalo namin kay JV. At ngayon naman ay pupunta kami sa bakeshop. Pagpasok namin sa loob ng bake shop... "AAAAAAHHHHH! CAKES!" tili ni Deign. "Uy! Chill!" sabi ko. "Ano ba ang favorite flavor ni JV?" tanong ni Deign. "Ahhh ako na ang bahala diyan. Ipapa-customize ko na lang tas bukas natin ipa-deliver." "Buti naman kung ganon." At sa wakas okay na ang lahat. "Uy ang aga nating natapos. Mag-bonding naman tayo." Sabi ko. Nagulat ako sa nasabi ko. "At anong bonding naman ang gusto mo?" tanong niya. "Yung katulad nung dati." "Okay. Maaga pa naman, eh." "Let's go to the arcade!" yaya ko. "Kumain kaya muna tayo?" "Sounds better." Sabay nginitian ko siya. "KFC?" "KFC." Nag-order si Deign ng Spanish Salpicao at ako naman ay Spicy Gangnam Hot Shots. Habang kumakain kami ay napag-usapan namin ang mga school stuff. "Anong program kukunin mo?" tanong sa akin ni Deign. "Kung ano man ang program mo." Kinilig ako roon, aaminin ko. "Hah bakit?" Bigla kong nasabi. "Ah, i mean Business Marketing and Management ako." Kaagad kong sinabi. "Eh ikaw?" "Ah, mag-b-business management ako, eh." At pagkatapos nun ay nagkaroon ulit ng saglit na katahimikan. "Nako! Napakaanghang naman nito." I gasped for air. "Hooooo...!" Tumawa si Deign. "Bakit ka tumatawa?" tanong ko. Hindi ko ma-explain kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Hindi ko na maintindindihan kung ano na talaga ang nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado ko at ‘yun yung in love ako sa kaniya. Hindi ko magawang magtanong sa kaniya dahil natatakot ako na baka ‘di niya ako gusto the way na gusto ko siya; na baka masira pa ang pagkakaibigan namin. Mayron pa naman akong phobia sa parating iniiwan. "Well... it's the first time na makita kitang namumula nang ganito." "Red?" tanong ko. "Yeah red. And it is because of the spicy food." “Ah! Gets!" At pagkatapos ko sabihin yun ay ininum ko na lahat ng softdrinks na natitira sa baso ko at hinintay ko matapos kumain si Deign. "Tara bumili tayo ng ice cream sa DQ." Yaya ni Deign. "Tara!" At pagkatapos namin bumili ng ice cream ay dumiretso na kami sa arcade. Pero ang daming tao sa arcade at isang lugar lang ang wala masyadong tao. Ang Videoke room. "The videoke room!" "Well... what's my choice?" "Let's go!" At pumunta na kami sa videoke room at pumasok sa loob. Hindi naman masyadong malaki at hindi rin naman masyadong maliit ang videoke room. Hanggang limang tao lang ang pwede sa loob. Ng mga oras na 'yon ay bumibili ako ng tokens habang si Deign naman ay naghahanap na ng mga kakantahin sa song book sa may pintuan ng videoke room. Sampung tokens ang binili ko. Lima para sa akin at lima para kay Deign. Ang unang kantang kinanta ni Deign ay Through the Fire. Kinanta niya ito ng napakagaling. Parang isang tunay na singer. At ang naging score niya sa kinanta niya ay 98. Then ako naman ang kumanta. Ako naman ang kinanta ko ay Siguro at 88 lang ang score ko. Well... i sang not-too-bad-for-beginners. Sumunod na kinanta ni Deign ay Someone Like You, Love Story, at Alone. Habang ako naman, ang kinanta ko ay Ikaw, Baliw, at Pag-ibig. Kung papansinin mo ay puro tagalog love songs ang kinanta ko. Sabihin na nating pagpaparamdam yung ginawa ko. Siguro naman ay effective. Probably. At pagkatapos ng ilang pagpapalitan ng mic ay sa wakas nasa last song na kaming dalawa. Ang huling kinanta ni Deign ay Catch Me. Habang kumakanta siya ay di ko mapigilang mapatitig sa kaniya. So it seems like her voice was that beautiful or maybe not or just because Deign looks so perfect standing there with her American - Ooops napupunta na tayo sa kung saan. At patuloy ko pa siyang tinitigan. Nakita niya ako. "Ano ‘yun?" tanong sa akin ni Deign. "Continue singing." Sagot ko. "Ano nga kasi yon?" "Ito ang huli kong token. You can use it if you want. I am not in the mood to sing wondrously." "Okay." "Here." Sabay abot ko ng huling token ko. "wait! Ako ang pipili ng kakantahin mo." "Sige. Ayus ayusin mo ang paghahanap ah. Yung matino at alam ko piliin mo." "Uhmmm… ito! Gusto mo ba ng Thinking Out Loud?" "Gusto mo bang tumigil ang lahat sa pagkanta at paglalaro para lang magbigay pugay dahil tinutugtog ang national anthem ng - ay ewan." "Oh! Ito na lang." sabay pindot ko sa numbers sa videoke. "1-0-3-6-2-1" "Anong kanta 'yan?" tanong ni Deign. "Ngiti." "Ikaw na lang kumanta niyan." "Hindi ikaw na." pilit ko. "No!" then inabot sa akin ni Deign yung mic. "Well... if you insist." At kinuha ko na yung mic at kinanta ko na. Ewan ko ba, nung mga panahon na yon ay feel na feel ko yung kanta. Yung saktong sakto straight from the heart. Nakakainis na rin tong ganitong puro kami pagpaparamdam. OW SINABI KO BA YUNG KAMI? So iniisip ko na nagpaparamdam na rin siya? May gusto ba siya sa akin? Tatanungin ko na ba siya? Pagkatapos nun ay pinilit niya akong magpicture kami sa loob ng videoke room at kunwari daw ay kumakanta ako. Nung oras na yon, specifically, yung segundong yon ang masasabi kong mas naglapit pa sa amin. Pagkatapos namin sa arcade ay napagdesisyunan naming manood ng movie bago umuwi. "Oy! Anong movie papanoorin natin?" tanong ko kay Deign. "Ikaw na bahala. Yung The Ring 3 lang alam ko diyan ehh." "Ayaw mo ba nung movie ko?" "Nakakadiri ka talaga!" sabay hampas niya sa balikat ko. "Pero ikaw kung gusto mo." "Di. Biro lang. yung The Ring 3 na lang." At pagkatapos namin makapili ng papanoorin ay pumila na si Deign para makabili ng tickets at ako naman ay bumili ng popcorn at coke float. At pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok na kami sa loob ng sinehan. At syempre kagaya ng ilang mga love stories na nabasa niyo na ay ganun ang nangyari sa amin. Since horror movie yung pinapanood namin ay di maiiwasang magkahigpitan ng hawak sa kamay at magtago siya sa aking balikat. And yung oras na 'yon ay feeling ko yun na ang simula ng lahat. At pagkatapos namin manood ay umuwi na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD