Chapter 12

2052 Words
Chapter 12: Fake News So kinabukasan ay vacant time ko namin ng 12:00 pm to 2 pm dahil nagsabi agad yung teacher namin na absent siya today. So dali-dali kaming lumabas ng room para naman hindi kami nasa room lang. Lunch time again then tambay na lang siguro kami sa dorm nina JV. Kaso nautusan ako ng teacher namin ulit kaya naman bumalik na lang muna sa room sina JV. Nagpahintay na lang ako sa kanila. Makalipas ang ilang minuto ay nagawa ko kaagad yung pinagagawa sa akin. Bumalik agad ako sa room namin dahil gutom na ‘ko at alam kong gutom na rin sila. Pagdating ko dun ay hinanap ko sila. Nagtanong-tanong pa ‘ko sa mga hindi ko kakilala na basta galing sa room namin. Sila na lang ang naiwan kaya naman sila na lang ang napagtanungan ko. Wala sila dun sa room namin. “Hala nasa’n sila? Nako iniwan ata ako.” Kausap ko sa sarili ko. "Or baka pinuntahan nila ako sa may faculty? Or kumakain na sila. Though, ayun naiintindihan ko naman kasi baka gutom sila.” Dali-dali akong naglakad pabalik sa may faculty pero wala rin sila roon. 'Di kaya nagkasalisi na kami. Nasan na ba kasi sila? Naupo ako sa plant box sa tapat ng room namin since nasa first floor lang naman kami pare-pareho. Biglang may tumakip sa mga mata ko tapos may humawak sa mga kamay ko. "Nako tantanan niyo na ‘ko." sabi ko. Nakatakip pa rin yung kamay sa mata ko at nakahawak pa rin sila sa kamay ko. "JV. Belinda." Isa-isa ko silang binanggit. And ayan sa wakas ay bumitaw na sila. "Diyan na nga kayo." Sabay tangka kong mag-walk out. "Hala siya nagtampo agad." sabi ni Belinda. "Ang baby, ‘wag na iyak achuchuchu." Pang-aasar ni JV sa akin. "Oy bakla anong drama na naman ‘yan?" tanong ni JV. Humarap ako sa kanila. Loko ko lang naman yung naasar ako. Pero ‘di biro, nagugutom na ‘ko. "Akala ko 'di niyo na ko isasama tas nakahanap na kayo ng ibang friends ganun." Paliwanag ko. "Syempre yes gagawin namin ‘yan no." sabi ni JV. "JOKE LANG!" "Ang speed mo naman. Saglit lang tayong nagkahiwa-hiwalay." Singit ni Belinda. "Hindi bakla tinaguan ka talaga namin." Sabay tawa ni JV. "Ay wow ganiyanan na, ah. Sige diyan na kayo." sabi ko. "Edi sige." sabi ni JV. "Talaga." Sagot ko. Tumawa kaming dalawa. "Hay nako timang na naman 'tong dalawang 'to." Dagdag ni Belinda. "Tara kain na tayo. Nagugutom na ‘ko, eh." Sabi ni JV sabay hila sa akin. "Oo tama ta’s kikilayan mo pa ‘ko mamaya!" na-excite si Belinda. "Ano na namang keme yan hah JV? May parlor ka na ata, eh." Sabi ko. "Sama mo naman kami diyan. Kahit taga ayos lang ako ng buhok ta’s si Belinda ang tagawalis." Humalakhak ako sa sarili kong entry. "Ay wow! Ako na lang mag-ma-manage. Para sosyal." Sabay ngiti ni Belinda. "Oy tara na. Mamaya na ‘yan." At tuluyan na kong hinila ni JV. Sama-sama kaming pumunta sa cafeteria. Sabay-sabay din kaming nag-order ng kakainin pero si Belinda naman ang naghanap ng mauupuan namin. Lahat kami ay Caldereta ang binili. "May chika ako mga bakla." Sabi ko. "Hala ano yan dali!" excited si JV. "So si Grey. Alam niyo naman hindi ba na kaklase natin siya. Tapos kanina nilapitan niya ko then nagkaaway na naman kami." Kwento ko. “Wala kayong dalawa, eh.” “Parang napapadalas, ah. Wow! May forever na si Deign." Sabay tawa ni Belinda. "Yuck! Oo may itsura pero tignan mo naman ni hindi pa nga kami magkakilala, para na kaming aso't pusa.” sagot ko. "Sus, ganiyan naman parati, eh." sabi ni JV. "Eh bakla ba't kayo nagkaaway ulit?" tanong ni Belinda. "Eh, kasi bad mood ako kanina tapos lumapit siya. Medyo nabuhos ko sa kaniya yung emosyon ko. Kaya ayun. Napagtaasan ko pa ata siya ng boses nang slight..." paliwanag ko. "Nako napapadalas na pang-aaway mo diyan kay boy ah." Puna ni JV. "Eh ano ba naman kasing trip niya sa ‘yo? Parang lagi na lang ata kayong may ganap?" tanong ni Belinda. "Yun nga ang hindi ko alam, eh." Sagot ko. "Nako meant to be na ‘yan." Dagdag ni Belinda. "Tapos ayun oh eventually magkakamabutihan din ‘pag nagkakilala na. Tas liligawan na then sasagutin mo na haaaaaaaay." Sabi ni JV. “Pero alam mo naman na hindi ako boto. Saksi ako sa mga pagtatalo niyo.” "Nako ‘yan na naman ‘yang w*****d mong utak." Sabay tawa ni Belinda. "Eh, kamusta naman sa dorm niyo?" tanong ko kay JV. "Ayun syempre 'di masaya kasi wala muna si Mama. Mga one week daw ata." At mukhang nalungkot si JV. "Ay wow! Eh pa’no pa kaya ako ‘no? Ako lang nakatira rito tapos mga magulang ko nasa probinsya.” Singit ni Belinda. "Wala namang ganap masyado, eh. Syempre ayun first wee natin eh edi the usual lang. Kaya ‘di ko pa nararamdaman yung kalungkutan." sabat ni JV. "Mukhang magiging eventful ang buhay mo bakla ah. Si Mr... ah 'di mo pa nga pala kilala nang lubusan." Putol ni Belinda. Binalikan niya si Grey bilang topic. "Dali code name. Ano ipapangalan natin?" tanong ko. Napaisip kaming lahat. "Ay oo nga pala mga bakla. Tinawag ko siyang bakla sa isip ko buti hindi ko pa nababanggit kasi hindi naman natin siya ka-close." Sabay tawa ko. "Ano ka-squad na ba natin siya?" tanong ni JV "Ay pinapalitan na niya tayo agad-agad, oh." Dagdag ni Belinda. "Masakit, Deign. Masakit." Habol ni JV. "Baliw! Eh kasi naman hinawakan niya yung buhok sa gitna ng klase tapos 'di kami close ‘di ba so ayun tinanong ko kung trip ba niya ang buhok at ‘wag niyang sabihing bading siya. Yung last part, sa isip ko lang sinabi." Litaniya ko. "Nako, palusot." Sabi ni JV. "Tapos siguro ayun gigil na gigil na siya. Pero gusto ko siyang makausap nung naaway ko siya nung umaga. I admit na ang rude ko. Gusto ko sanang magsorry pero ewan 'di ko magawa. Mas marami naman siyang nagawang masama sa akin." Sabay medyo naging poker face ako. "Eh bat 'di mo pa gawin... Malay mo may sama na ng loob sayo yung tao kasi nakakailang away na kayo." Advice ni Belinda. "Hindi ko talaga alam, eh. 'Di ko talaga magawa. Bahala na." sagot ko. "So ano nga yung code name?" sabay tingin sa kin ni JV. "Nako ang weird naman ng feeling na yan. Nako pumapag-ebeeeg na siyaaaa!" sabay iba ni Belinda ng topic. "Nako, tama na nga ‘yan. Wala naman akong nararamdaman dun sa tao. Kakakita nga lang namin, eh." sabi ko. "Kakakita niyo lang 'ULIT'." Pag-uulit ni Belinda. "Pero ano nga yung code name?" tanong ulit ni JV. "Mr. FC na nga lang." sagot ko. "Ok." Sabi ni JV. At nagpatuloy na kaming kumain. Syempre daldalan pa more. Kwentuhan about our teachers then sa mga kaklase. "Bakla alam mo ba si bebe ko, nagkakausap kami." Kinilig bigla si JV. "Ay." Natawa ako. "So alam mo na kung nasan ang bahay niya?" tanong ko. "Nako yan pang si JV. Hinunting na namin kanina." Sabi ni Belinda. "Ayun friends na talaga kami in person WAAAAAAH!" at as expected ay nahampas na naman ako ni JV. "Brutal ka talaga bakla kahit kailan. Aral muna bago landi." Sabi ko. "Wala, eh. Napapadalas na rin yung chat namin." Sabay hairflip ni JV na akala mo ay sobrang haba ng buhok. "Ganda mo girl! Iba ka na talaga bakla. Lakas mo." sabi ko. "Nako, yan pa bang si JV. 'Di papakabog yan." sabi ni Belinda. Ewan ko pero hindi ako natutuwa. 'DI ko alam kung bakit. Ang weird ng pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan. Nung 1:50 pm na... "May isa pa tayong klase. 2-3 pm." Singit ni JV. “Tara na ba?”. "Punta muna tayong library. Schedule ng section natin sa ID." "So yah tara na." Sabi ni Belinda. "Ako rin. Para prepared na ‘ko. Tsaka may nakilala ako na SA. Tinuruan niya ko kung ano mga gawain ko dun. Nakausap namin ni Belinda na SA din pala ang friend natin.” "Oh, nice edi magiging maayos na trabaho mo dun. Alam na alam mo na." sabay akbay ni JV kay Belinda. "Oo nga bakla, eh. Baka mamaya maging librarian na ‘ko." Sabay tawa ni Belinda. "Tara na! Ang dami niyo pang chika mga bakla. Kapag tayo late na naman.” Paalala ko sa kanila. Medyo nalungkot ako. Yeah slight. Haaay kailangan ko nang matanggap ang lahat haaaay. Actually sila Mommy may gusto rin na mag-SA ako para raw magstart na ko maging independent kaso hindi ko pinili. Pumayag naman sila na maging officer na lang ako. Nung una syempre natatakot ako pero yah hindi ako tinuturing nila Mommy na parang baby or yung as in literal na prinsesa. Gusto nila matuto ako sa buhay. Gusto nila na maging ok na ‘ko hanggang sa pagtanda. Alam ko namang they're doing that dahil mahal nila ako and naiintindihan ko iyon so sinunod ko na rin sila eventually kasi para sa 'kin din naman yun, eh. So nagpunta na ‘ko sa library. Naabutan namin si Maica na nag-iikot-ikot at mukhang may hinahanap. "Uy! Hello Maica!" bati ko kay Maica. "Ay Deign hello rin!" nginitian ako ni Maica. Tinulungan niya kaming mag-register sa computer tapos nag-print kami ng file namin. Pagkatapos namin ay nakita ko si Maica na kanina pa ata may hinahanap. "May hinahanap ka?" tanong ko. "Oo eh. Yung libro ng teacher namin sa Business Finance." "Alam ko nasa kabilang shelf yun." "Ah sige sige." Sinamahan ko siya papunta sa kabilang shelf. At may 'di ako inaasahang taong makita. Si Mr. FC. Nag-iwasan kami. "Grey, nandun lang pala oh." Wika ni Maica. Napalingon ako. Magkausap si Maica at yung tinatawag niyang si Grey na yung lalaking kaklase ko. "Magkakilala kayo Maica?" tanong ko. "Teka magkakilala kayo?" tanong ni Mr. FC. "Oo. Bakit? May problema ba?" tanong ni Maica. "Siya yung Boyfriend mo?" tanong ko. "Oo bakit?" Si Mr. FC yung sumagot. AHHHHHHHH Grabe! "Napakamalas mo naman pala Maica. Akala ko kung sino na yung kinukwento mo." Pagtataray ko kay Mr. FC. "Ang sabihin mo naiinggit ka lang." mahinang sinabi ni Mr. FC pero pagalit. Aware siya na nasa library kami. "Oy Deign pero matinong tao naman 'tong si Grey." Pagtatanggol ni Maica. "At bakit naman ako maiinggit hah bakla?" tanong ko. Nagulat ako na nasabi ko yung bakla. "Para sabihin ko sayo Ms. Mondragon, hindi ako bakla tandaan mo 'yan." Halatang nanggigigil na si Mr. FC. "Ano? Ms. Mondragon? Galvez ang apelido ko." "Wala akong paki." Sagot ni Mr. FC. "Bakla." Sabay irap ko kay Mr. FC. "Dragon." "Bakit ba kayo nag-aaway?" pumagitna si Maica. "Eh ayan kasi." Sabay pa naming nasabi ni Mr. FC. "Akala mo kung sino magtaray eh siya na nga yung inaalala." Paliwanag ni Mr. FC. Hala, ako inaalala niya? Bakit naman? "Hoy Mr. FC! 'Di na ‘ko bata para alalahanin mo. Ano, ‘wag mong sabihing gusto mong makuha yung buhok ko?" tanong ko. "Hindi ko naman trip ‘yang buhok mo, eh. Tsaka 'di ako FC." "At ano may gusto ka sa kin? Inaalala mo ko?" tanong ko ulit. Medyo naging malumanay ako. Ewan ko kung bakit. Para ‘kong asong biglang naging malambing na pusa. "Oy hindi, ah. ‘Wag kang assuming." Sagot ni Mr. FC. Nag-ring na yung bell. Ibig sabihin alas dos na. "Nako Belinda maghanda ka na. Shift mo na pala mamayang 3. Balik na tayo sa room.” Yaya ko kina Belinda at JV. 'Di ko maintindihan kung ano yung nararamdaman ko. Galit, inis, tuwa? Hindi! Hindi ako matutuwa. Ba't naman ako matutuwa? Erase, erase. "Bakit, sino bang may sabing gusto rin kitang makasama?" tanong niya. "Eh malay ko ba sayo. Hinahabol mo buhok ko eh." 'di ko na alam kung ano na yung mga pinagsasasabi ko. Mema na lang. "Hay nako bahala ka na nga diyan." Sabay alis ni Mr. FC. "Sige mauna na ko Deign, ah. May klase pa ko eh." Sabi ni Maica. “Tapusin ko lang ang shift ko at nag-overtime ako.” "Sige, sige Maica. Salamat sa kanina nga pala ulit ah." Sabi ko. At niyakap ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD