Chapter 27: Rain or no deal
Grey’s POV
"Sige mauna ka na." sabi ko.
"Hindi, ikaw na ang mauna." Sabi ni Deign.
Paulit-ulit lang kaming nagpasahan sa isa’t isa. Kaya naman inako ko na.
"Oh sige."
Kalahati ng sarili ko ang sinasabi ay "Ahhh ulan. Tumigil ka na please." At ang isang kalahati naman ay "Ulan sige lumakas ka pa. wag kang hihinto."
Alam niyo yung hindi ko na mapigilan ang panginginig ng katawan ko sa sobrang kaba. Tinalo pa nito yung mga recitation namin sa school. Ibang level na ito.
"Ito na ang pagkakataon Grey. Gawin mo na." Bulong ko sa aking sarili. Ito na ang oras na hinihintay mo.
‘Di ko na mapigilang manginig. Pinipilit ko na lang ngumiti sa harapan ng lahat lalo na kay Deign kahit na sobrang kinakabahan na ako. Parang ‘di na ata ako makakapagsalita dahil ayaw na bumukas ng bibig ko. Walang salitang maibitaw ang bibig ko. Para na akong statwang bato sa sobrang tikas sa pagkakatayo. Para na akong si Machete na hindi halos maigalaw ang katawan.
"Kaya mo 'to!" Sinabi ko sa sarili ko.
At sa wakas ay may namutawi ng mga salita mula sa aking bibig.
"Matagal na akong may gusto sa 'yo. Matagal ko na ring gustong sabihin sa 'yo ‘yon pero hindi ko magawa dahil iniisip muna kita at ang sarili ko. Hinintay ko munang mag-mature ako bago ko ito sabihin sa iyo kaya ngayon nandito ako sa harapan mo handa na ako at hindi natatakot. I like you, Deign."
"Alam mo ba na ‘yan din ang sasabihin ko sa iyo?" bigla na lang naluha si Deign kaya naman pinunasan ko agad ang luha niya gamit ang kamay ko. "Matagal ko rin itong pinag-isipan. Simula pa lang nang maging kaklase kita ay feeling ko kilalang-kilala na kita."
Huminga ako nang malalim.
"Will you be my girl?" tanong ko kay Deign.
Ang speed ko sa part na ‘yun. Pero ayun din naman daw ang sasabihin niya sa akin so papatagalin pa ba natin? Syempre, hindi na. Diretso tanong na agad.
Naging maingay ang paligid. Puro pag-uusap ang maririnig sa paligid. Para bang dahil sa ginawa ko ay nagkabuhay ang paligid na kanina lamang ay sobrang tahimik. Pero hindi talaga dahil sa ginawa ko iyon. Nag-assume lang ako. Para bang dumami bigla ang tao sa resto. Isang magandang sign na huwag kong intindihin ang paligid namin. Na pwedeng kaming dalawa na lang ang isipin ko.
Hinintay ko siyang sumagot at dahil hindi pa siya sumasagot ay lalo pa akong kinabahan. Natatakot akong baka 'hindi' ang isagot niya. Natatakot akong baka i-reject niya ako lalo na't nasa harapan kami ng maraming tao. Pero nawala ang pangamba ko na iyon dahil inalala ko yung mga sinabi niya kanina.
Makalipas ang ilang saglit ay sa wakas sumagot na siya.
***
DEIGN'S POV
Pagkatanong sa akin ni Grey ng tanong na iyon ay nag-flashback na lang lahat sa akin ang mga pinagsamahan naming dalawa.
Naalala ko nung first year kami ay naging close agad kami. Ang dami naming similarities kaya ang dami naming napagkwentuhan. Lagi niya akong sinasamahan sa kung saan man ako pumunta at lagi niya akong sinasamahan sa tuwing niyayaya ko siya. Minsan nililibre niya ako. Naalala ko pa nung nagkaroon ng magnum sa school ay halos araw araw kaming kumakain nun. At nung second year naman kami ay Tops A sa Mix 'n Go naman ang lagi niya sa aking nililibre. Lagi niya rin akong tinutulungan sa mga homeworks, seatworks, projects, at sa pagrereview para sa exams. Hindi ko malilimutan ang lahat ng kabaitan niyang nagawa para sa akin.
"Yes." At sabay ngiti niya sa akin.
"Ano ulit 'yon?" tanong ni Grey na ngayo'y mukhang excited na excited.
"Yes ang sagot ko!" at sabay hinawakan ni Grey ang kamay ko.
At yun ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Sa wakas! Kumilos na si Mr. Dense. At horray at hindi ako ang gumawa ng first move.
Pagkatapos nun ay napasigaw si Grey ng YES.
"Uy tumigil ka nga diyan. Nakakahiya ka." Sabi ko.
"Ay sorry sorry sorry."
"Ano tuwang tuwa ka na diyan Mr. Dense?"
"Anong tinawag mo ulit sa akin?" tanong ni Grey.
"Mr. Dense. Kasi naman tatlong taon na akong nagpapakita ng motibo sa'yo pero parang di mo naman pinapansin. Parati mo na lang binabaliwala. O sadyang hindi lang talaga kapansin pansin?"
"Ahhh so- ahh-ganun-kaya pala"
At dumating na yung waiter dala-dala yung mga inorder namin. At nagsimula na kaming kumain.
"Ang sasarap naman ng mga pagkain dito!" sabi ko. "Ay oo nga pala, bakit hindi ka nag-order ng para sa sarili mo?"
"Kasi ang gusto ko, share tayo. Alam ko namang di mo mauubos yan lahat."
"Ah kaya pala tinanong mo ko kanina na kung yun lang."
At wala na akong nagawa kaya nag-share na kami. Sinubuan ko siya ng fries then sinubuan niya ako nung burger. Bigla siyang tumawa.
"May dumi ka sa mukha."
Bigla ko itong pinunasan kasi alam kong gusto niyang punasan yung dumi sa mukha ko.
"Pwede pa-slice na lang nung burger kung gusto mo akong subuan."
"Yes, my lady!" at tumawa kami parehas.
GREY'S POV
Yun ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Nabawasan ako ng tinik sa aking puso at ngayon ay nagsisimula ng mapuno ng aming pagmamahalan. Papaligayahin ko siya at mamahaling tunay. Sana di na matapos ang araw na ito.
"Malapit ng mag 4 PM Mr. Dense." Sabi ni Deign. "Kailangan ko ng umuwi."
"Okay Mrs. Dense! Ihahatid na kita."
At umalis na kami sa restaurant at hinatid ko na siya pauwi.
"Goodbye Mrs. Dense." Sabay halik ko sa noo niya.
"Bye." At hinalikan niya ako sa pisngi.
Pag-uwi ko sa bahay ay agad kong binuksan ang sss account ko at inupdate ko yung status ko as In a relationship with Deign Torres. At pagkatapos ay pinindot ko yung notifications ko at nakita ko yung picture namin ni Deign na pinost niya at may 453 likes na. Pagka-back ko naman sa home ay ang dami ng naglike nung status ko. At isa na dun si Deign.
Pagkalipas ng ilang araw ay parati na kaming lumalabas at mas masasabi kong may panahon kami sa isa't isa at hindi naman namin napapabayaan ang aming pag-aaral. Tinutulungan ko pa rin siya sa mga school works at pagdating naman sa usapang arts ay tinutulungan naman niya ako.