Chapter 20: Practice Makes Perfect
Grey’s POV
Seryoso, nabwisit ako. Sobra na yung pang-aapak sa pagkatao ko. Parang hindi na makatao at wala na talag sa lugar. Yung dapat masasapak ko na siya kaso buti na lang talaga nakapagpigil ako at naalala kong babae siya.
Bakit ba ganun? Kung sino pa yung laging nagmamalasakit sila pa yung napapasama at namamasama? Maayos na ang pakikitungo sa kaniya tapos ganun pa rin ang ugali niya. Sino na ang may problema kung ganun?
For the second time naisipan kong mag-bar. Grabe, yung unang dahilan ko ay dahil nawalan ako biglaan ng kaibigan, hindi yung kababata ko, tapos ngayon naman sa sobrang pagkabasag ng ego ko. Sirang-sira ako sa sarili ko grabe. Tapos ang masakit pa roon ay yung wala akong nagawa.
Patuloy akong naglakad. Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa ulap. Makulimlim at madilim na.
‘Lo, ‘La, patuloy niyo po sana akong gabayan. Lord, ‘wag niyo po akong papabayaan.
Napaupo muna ako sa bangketa.
Ang lamig ng hangin. Damang-dama ng katawan ko lalo na ng mga binti ko. Sobrang mas naging madrama pa tuloy ang utak ko.
"Bakit ba apektadong-apektado ako? Dapat nga wala akong paki sa kaniya eh. Bakit ba iniisip ko pa siya? Mas lalo lang akong napapasama kada inaalala ko siya." Kinausap ko ang sarili ko.
Tumayo ako.
"Hay bahala siya." Nagpatuloy na kong maglakad.
Dinaanan ko muna sina Kiel, Rence at Royce. Gusto ko lang talaga ng makakausap o makakasama. Gusto ko lang na maramdamang hindi ako nag-iisa at may halaga ako. Tapos alam kong hindi nila magagawang saktan ang damdamin ko na tulad ng ginawa nitong babaeng ito.
Nakasalubong ko sa labas si Royce.
"Oh, sa’n ka pupunta, Grey?" tanong niya.
"Ah, diyan lang sa tabi-tabi. Naghahanap lang ng makakain." Sabay ngiti ko.
Hindi ko nakuhang masabi sa kaniya ang binabalak ko at pinagdadaanan ko. Hindi ko alam kung bakit.
"Weh... Ikaw lalabas nang ganitong oras para maghanap ng makakain? Hindi ba ang dami mong stock parati sa mini ref mo?" Tinignan ako ni Royce na para bang may tinatago ako.
"Wala pupunta lang ako sa bar."
"Sa bar? Bakit naman? Ngayon ka lang ata magpupunta sa bar, ah. I mean never ka pang pumupunta. Tapos underage ka pa. Paano?”
“Hindi na naman tayo mukhang bata. Makakapasok tayo.”
“Isasama mo ‘ko? Huwag ka na lang tumuloy. Mamaya mapaano ka pa.” Pag-aalala ni Royce.
"Kaya ko na ang sarili ko."
"At tutuloy ka pa talaga. Loko ka pala, eh. Pa’no kung malasing ka edi walang maghahatid sa ‘yo. Tsaka baka kung mapa’no ka pa. Kaya sasamahan na kita."
"’Wag na. Ayokong madamay ka pa. Tsaka 'di ka naman nag-ba-bar."
"Kaya ka nga sasamahan kasi baka ikaw ang kung mapa’no, eh. Hindi naman ako iinom."
"Hay, sige na nga. Tara na."
So ayun napilit ako ni Royce na isama siya.
Pagkarating namin sa bar ay halata kong para bang kakababa lang niya sa bundok ganun. Yung hiyang-hiya tapos hindi alam ang gagawin. Ngayon ko lang ‘to nakitang ganito. Kadalasan ay sobrang confident nito.
"Sabi ko sa ‘yo ‘wag ka na sumama, eh." Sabi ko.
"Ayos lang ako. ‘Wag mo na ‘kong intindihin."
So ako naman um-order na ng alak. Edi ayun inom inom tapos nag-isip-isip.
"Ano ba’ng problema mo?" tanong ni Royce.
"’Wag mo kong intindihin. Matatapos din 'tong pagdadrama ko."
"Dali na. Para namang hindi tayo magkaibigan, oh. I-share mo na. ‘Wag mo nang kimkimin para 'di makasikip sa dibdib mo."
So ako napakwento naman. Nakwento ko lahat nung nangyari kanina.
“Grabe naman pala. Nagkapatong-patong na yung atraso niya sa ‘yo." wika ni Royce."Tapos nasira mo pa yung plano nila. Nakakabadtrip talaga ‘yun."
"Oo. Nakakatulong ka talaga, eh. Grabe." Sabay lagok ko nung isang shot.
"Hala sorry. Pero ayun hingi ka na lang ulit ng tawad tapos sana siya rin humingi ng tawad. Kapag hindi edi konsensiya na niya ‘yun."
"Paulit-ulit na nga akong nag-sorry, eh. Grabe sinasabayan ko lang yung pang-aasar niya pero hindi ako nananakit ng damdamin. Alam ko naman limitasyon ko." At napalagok pa ulit ako nung isang shot.
"Grabe anong gusto niya susuyuin mo siya? Aba grabe naman magpabebe yun. Tsaka hindi mo naman sinasadya, ah." Nainis si Royce. "Dapat pala dun ka na lang sa dorm namin uminom. Tahimik pa tapos mas tipid."
"Ayoko nga ng tahimik, eh. Tsaka gusto ko ngang mapag-isa. Yung walang makikialam sa ‘kin kahit na magulo ang paligid."
"So panggulo ako?" tanong niya.
Ininom ko yung isang shot.
"Hindi naman. Mabuti nga eh may kausap ako. Alam mo yung ayun na eh akala mo siya na kaso sablay sa ugali."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Maganda, model, mukha namang matalino kaso sobrang taray."
"Gusto mo siya?"
"Oo. Tipo kong babae. Pero hindi yung ugali."
Nagsalin sa shot glass si Royce ng alak.
"Oh anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Edi iinom." Sabay lagok.
"Akala ko ba hindi ka iinom. Tsaka baka mapagalitan ka lang ni Tita. Tuwing may okasyon ka lang umiinom, ah."
"Ilang shot lang naman. Kaya ko 'to."
So ayun sabay kaming uminom.
"Kakalimutan ko na lang yung babaeng ‘yun."
"Oo tama ‘yan. Kalimutan mo na lang. Just go with the flow na lang."
"Cheers!" at nag-click yung shot glass namin.
Tumigil nang uminom si Royce pero ako ay sige pa rin.
Biglang may lumapit na dalawang lalaki. Yung isa matangkad tapos yung isa mas matangkad pa kesa dun sa isa. Mga may itsura tapos halatang pala-gym.
"Hey." Sabay umupo yung isa sa kanan ni Royce tapos yung isa naman sa kaliwa niya.
"Ano yun? Sino kayo?" tanong ni Royce.
Ako naman ayun inom pa rin.
Akala siguro ng mga ito ay magjowa kami ni Royce.
"Naghahanap lang kami ng friends. ‘Di ba Mike." Sabi nung lalaking nasa kaliwa.
"So pwede ka ba?" tanong nung Mike.
"Ah hindi ako naghahanap ng friends." Sabay tayo ni Royce.
Napatingin ako nung hinigit nila si Royce tapos nahipuan pa siya sa hita.
"Tigilan niyo nga ‘ko. Mga bastos!" sabay sampal niya.
"Oy mga pre anong problema natin hah. ‘Di ba ayaw niyang makipagkaibigan." Sabi ko.
"Ano ba’ng pakialam mo? Boyfriend ka ba?" tanong nung matangkad.
"Oo bakit? May problema ba?" tanong ko.
"Wala kaming pakialam kung may boyfriend na 'to ah." Sabay akbay kay Royce.
Nagpumiglas si Royce pero hindi siya makakawala dahil sa higpit nang kapit nung lalaki.
Nasuntok ko yung nakaakbay kay Royce.
"Mga bastos pala kayo, eh. Dun kayo sa mga pokpok." Sabi ko.
At nagsimula na ang rambulan.
Syempre buti na lang may natutunan ako sa taebo lesson ko nung summer nung 2nd year high school ako.
Sipa, suntok, ilag. Grabe ang babakla naman nitong kasuntukan ko.
"Ano papalag pa kayo?" sabay nag-angas ako.
Nagtakbuhan na yung dalawang lalaki.
"Mga duwag naman pala yung dalawang yun, eh."
"Tama na." sabay hawak ni Royce sa kamay ko. "Maupo na tayo."
"Ano, ok ka lang? Nasaktan ka ba?"
"Ayos lang ako. Hindi naman ako nasaktan."
"Buti na lang ako ang kasama mo."
"Oo na Mr. Yabang."
Sabay lagok ko pa ng isang shot.
"Salamat, ah."
"Nako wala ‘yun."
Tapos ayun sa gitna ng kaingayan eh nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Biglang may babaeng lumapit sa akin.
"Alam mo ba matagal na kitang gusto. Mahal na nga ata kita eh." sabi ng babae.
"Anong sabi mo? Ako gusto mo?" ayun boses lasing na ‘ko.
"Oo... matagal ko na kayang gustong sabihin sa ‘yo."
Uminom pa ‘ko. Hindi ko na namalayan na bumagsak na ‘ko.
Nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw mula sa bintana. Nagulat ako nang makita ko na yakap-yakap ko na yung babae at si Royce nasa sahig. Bigla akong bumitaw at tumayo.
"Ughhh… Ang sakit ng ulo ko."
Jusko buti hindi ako hubad. Ano ba’ng nangyari kagabi?
Nagising na rin si Royce at yung babae.
"Oh magandang umaga." Bati ni Royce.
"Ba't dito ka natulog? May nangyari ba?"
"Wala. Tsaka binantayan kita, eh. Para masiguro ko lang na ok ka at walang maitim na balak ‘yang babaeng ‘yan."
"Baka hinahanap ka na ng Mama mo."
"Hindi, tumawag na ‘ko kagabi."
Napatingin ako sa alarm clock ko. 10:30 am na.
"Ay ano mag-aayos pa pala ‘ko. Maya-maya may darating dito. Ano may bago akong dorm mate. Sige maglilinis pa ‘ko." Naalala ni Royce.
Hindi ko alam pero tarantang-taranta ako.
"Sige tulungan na kita. Para mapabilis na rin yung paglilinis mo."
"Hindi sige ako na lang. Ano, uhmmm, kumain na kayo sa inyo. Tapos ayun baka nga inaantay na kayo sa inyo." wika nung babae.
Hindi na ako nagbalak na tanungin pa ang pangalan niya.
Hindi ka nakahubad paggising mo. Walang nangyari. Chill ka lang, Grey.
"Ah sige mauuna na ko, ah." Sabay umalis na kami ni Royce
Pagkauwi ko ay napaupo ako sa kama.
Ano ba yan, Grey. Anong ginawa mo? Hinalikan mo ba? Hinawakan mo? May ginawa ka ba? Bakit mo tinabihan? Baka naman bagsak na talaga 'ko. Baka naman... Hala hindi ko na alam.
"Hala, hindi ito yung damit ko kahapon, ah."
Shet! Pinalitan niya ‘ko ng damit?
Napatingin ako sa shorts ko.
Hala pati shorts ko! Oh my baka pati yung...
Tinignan ko yung underwear ko.
“Salamat po! Haaaaaaaay...”
Nakahinga na ko nang maluwag.
Jusko sa hideout na lang talaga 'ko mag-iinom. Delikado tayo sa mga hatid-hatid na ‘yan.
After kong kumalma ay naglinis na ‘ko. Naghanda na ako kaagad para sa practice namin ni Deign. Pumunta ako kaagad sa dorm nila Rence.
Habang nasa loob ako ng dorm ay biglang may kumatok. Binuksan ko yung pintuan. Nagulat ako nang makita ko si Ms. Mondragon.
"Bakit nandito ka na? Maaga pa, ah." Sabi ko.
"Oh my! ‘Wag mong sabihing ikaw ang nakatira sa dorm na 'to!" gulat na gulat siya. Hindi ko alam kung bakit. Pero naalala ko na sinabi ko nga pala na dito ako nakatira.
"Ako nga yung nakatira rito." banggit ko.
Napanganga si Ms. Mondragon.
"Bilib na talaga ko sa tadhana! Grabe!"
"Bakit naman? Ano’ng meron?” Pagtataka ko.
"Ano pa nga ba?"
Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot o kung ano man. Hindi naman niya ako sinagot. Bahala na lang.
Hindi pa rin kami nagpapansinan. Pero grabe hindi pa rin ako maka-move on. Sobrang mixed emotions ako ngayon. Ganun, ang gulo ng utak ko ngayon.