Chapter 10

2136 Words
Chapter 10: Rabbit Hole Deign’s POV Pumunta ako sa Principal’s office dahil pinapatawag daw ako. Kinabahan ako actually nung sinabihan akong pinapatawag ako. Hindi ko alam ang dahilan so sinong hindi kakabahan? Tapos may nakasalubong pa akong isang lalaki na nanggaling pa sa raw sa room namin at hinahanap ako. “Ano pong meron?” tanong ko sa kaniya. “Si Mrs, Francisco raw, pinapapunta ka sa faculty.” sagot niya sa akin. Ano bang meron sa araw na ito? Anong meron sa akin? I mean, bakit ako? Anong kinalaman ko sa mga bagay-bagay? Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Ako ang hinahanap. Edi magpakita tayo sa kanila. Dumiretso na kaagad ako sa Principal’s office. Pagpasok ko ay damang-dama ko ang malamig na temperatura dulot ng aircon. Grabe, parang sampu ata ang naka-open tapos sa akin ang buga lahat. So, naupo muna ako sa may waiting sofa or chair or basta ayun, alam niyo na ‘yun. Hinihintay kong makabalik yung tao sa front desk. Mukhang nasa labas ata. Biglang bumukas ang pinto at nakita ako ng Assistant ng Principal. “Yes, dear? Anong kailangan mo?” tanong niya sa akin. “Pinapatawag daw po ako ni Principal.” Nagtaka si Ms. Assistant. “Nasa business trip pa kasi si Mrs. Belmonte” Napaisip din tuloy ako bigla. Paanong nasa business trip? Tapos ipapatawag ako? “Baka po may iniwan po siyang instructions or iniwang gagawin ko po? Or baka po may message po siya or text na ipinadaan sa inyo?” Nag-check si Miss ng phone niya. Tapos tinignan niya ang desktop niya. Tapos tinignan niya ang notes at calendar niya. “Wala talaga, eh. Natignan ko na lahat.” “Pero sabi ko kasi, pinapatawag ako.” “Sige, sasabihan na lang kita. Ano ulit ang name mo?” “Deign Galvez po.” “Sige. Noted!” “Thank you po!” At lumabas na ako ng office. Sumunod ay pumunta ako sa faculty. Dumiretso kaagad ako kay Mrs. Francisco. “Ma’am, pinapatawag niyo raw po ako?” Bakas sa mukha ni Mrs. Francisco ang pagtataka. Napatingin siya sa akin na para bang takang-taka siya na nasa harapan niya ako. “Ah, tutal at nandito ka na naman, paki-distribute na ito sa klase niyo tapos pakisabay na itong papel sa ibang sections. Paabot mo na lang sa kanila para ma-distribute na rin nila.” Sabay abot sa akin ni Ma’am ng sandamukal na mga papel. “Ok po.” “You may go now. Thank you.” “Sige po.” At lumabas na ako ng faculty room. “Bakit ang weird ng mga nangyari?” Kausap ko sa sarili ko. Hindi ko na lang pinansin ang thought na ‘yun. Dinaanan ko yung ibang sections para iabot ang mga papel at pagkatapos ay bumalik na ako sa room namin. Hindi ko namalayan ang oras at 15 minutes late na pala ako para sa next class namin! Napamadali tuloy ako at sumilip muna ako sa room namin. Mabuti at may mga hawak akong papel. May magiging rason na ako. Kumatok ako sa pinto. “Good morning, Sir! I’m sorry I’m late.” Bati ko kay Sir. “Marami bang papel sa CR?” tanong niya sa akin. Napaisip na naman tuloy ako. Nag-loading talaga ako nang malala. Anong connect ng CR sa mga papel na dala ko? “Ah, hindi po, Sir. Galing po ako sa faculty. Nautusan lang po ni Mrs. Francisco.” sagot ko. “So hindi ka nag-CR?” Sasagot na dapat ako pero muli siyang nagsalita. “Anyway, i-absent na sana ulit kita pero you may sit now.” Natanaw ko sina JV na natatawa. Siguro sabi ng mga ito na nag-CR ako. … During break ay sa canteen kami tumambay nila Belinda at JV. Makalat daw kasi sa dorm nila ngayon kaya ayaw muna niya kaming papuntahin. “Order na kayo. Upo na ako roon, oh.” Sabay turo ko sa table na walang nakaupo. “Ok, sige. Ako na bibili ng sa ‘yo.” Pagpresenta ni JV. So umalis na ‘ko sa pila at pumunta dun sa tinuro kong table. Pagkaupo ko ay biglang may isang grupo ng mga kalalakihan na umupo rin. Since mag-isa lang ako ay ako na ang nag-adjust. Tumayo ako at umalis. Wala namang problema dun. Nabiglang lang talaga ako. Naghanap ulit ako ng table. Nilapitan ko yung isang lalaki na nag-iisa sa isang table. Mukhang Grade 7 ata si Kuya. “Hello! Pwede bang makiupo?” mahinahong tanong ko sa kaniya. “Si-” Bago pa siya makasagot ay may mga tumawag sa kaniya mula sa may harapan namin. “Pre! Nandito ka pala!” Sabay nagsiupuan ang isang grupo ng mga lalaki. Bakit bigla-bigla na lang sumusulpot ang mga ‘to? Kaya naman hindi na ako nangialam pa at umalis na lang ulit ako. Paatras akong tumatanaw kung saan pa mayroong bakante na mauupuan. Bigla na lang nakaramdam ako ng matigas na bagay na tumama sa likod ko. Dumiin ito. “Aray!” Sigaw ko. Sabay natapunan ako ng juice pagkaharap ko para tignan kung sino ang nakabangga sa akin. “Ikaw na naman?!” Sabay naming wika ni Grey. Sobrang nainis ako. Ayoko na siya komprontahin pa. “Ayan, hindi kasi marunong umiwas. Tatanga-tanga pa.” Nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya. “Bakit? Sinasadya ko ba? Ako na nga natapunan mo at nasaktan, ikaw pa ang ganiyan?” Tumalikod na ako at naglakad nang mabilis at padabog pero bigla na lang akong nadulas. Nasalo ako ni Grey. Panandalian kaming nagkatitigan. “Bitawan mo nga ako!” Utos ko sa kaniya. Kaagad niya akong hinayaang mapahiga sa sahig. Basang-basa na ako ng juice. Gusto ko na lamunin ng lupa. Ayoko na. “Girl! Anong nangyari?” Pag-aalala ni JV sa akin. “Ano na namang ginawa mo, Grey? Grabe ka na talaga!” “Bakit hindi mo tanungin ang kaibigan mo? Wala akong dapat ipaliwanag.” Sabay umalis na sila ng tropa niya. Tinulungan akong makatayo nina Belinda. “Friend, may pamalit ka ba? Ang dugyot mo na.” Sabay alalay sa braso ko ni JV. “Wala, eh. Buti sana kung may jacket ako. Eh, hindi naman malamig ang panahon.” sagot ko. “Bakit hindi mo na lang muna siya pahiramin ng t-shirt? Mag-explain na lang tayo sa teachers natin about sa nangyari.” Suhestiyon ni Belinda. “Pwede rin naman.” Pagpayag ni JV. “Sige, tara.” At dinala na lang ni Belinda na naka-take out ang pagkain namin. Dumiretso kami sa dorm nila JV. Pagkarating namin ay hinanapan niya ako kaagad ng disenteng shirt at ako naman ay nagpunas sa bathroom nila. Si Belinda naman ay nag-ayos ng hapagkainan para makakain na kami. Habang nagpupunas ako ay nakatingin ako sa salamin. Napaisip akong muli sa mga nangyari mula kanina. Bakit parang puro kamalasan ako today? Ano ba ang meron sa araw na ito? Baka naman nagkataon lang siguro. Naalala ko bigla yung nasalo ako ni Grey kanina tapos nagkatitigan kaming dalawa. Napahawak ako sa dibdib ko. Mabilis ang t***k ng puso ko. “Ay ano ‘yan, Deign? Magtigil ka!” Kausap ko sa sarili ko. Napatingin ako sa may dibdib ko mula sa salamin. “Hala! Yung ID ko!” Yung lanyard lang ang nakasukbit sa leeg ko. Wala yung mismong nagkakabit sa lanyard at sa ID ko. Yung may hook tas doon nakasabit yung case ng ID. “Jusko, saan naman mapupunta ‘yun?” Dinalian ko na magpunas. Kumatok si JV para iabot ang damit sa akin. Kakulay ng uniform namin ang binigay niya. Kulay sky blue na polo. Buti napaalam na namin kanina sa guard yung sitwasyon ko. For sure naman na papapasukin ako. Kaso wala akong ID! Paglabas ko ay tinanong ko kaagad sila Belinda kung nakita nila ang ID ko. Sabi nila ay hindi nila nakita. So naghalughog ako sa bag ko, sa bulsa ko, at inisip ko kung saan pwedeng nahulog. “Hindi kaya kinuha ni Grey sa ‘yo?” Hinala ni JV. “Pero paano?” tanong ni Belinda. “Oo nga! Nadulas ako tapos sinalo niya ‘ko. Baka mula roon, tinanggal niya ang ID ko! Walang hiya talaga ‘yung mokong na ‘yun!” “Sabi sa ‘yo, eh. Dapat layuan na natin ‘yun.” Pangaral ni JV. “Lumalayo naman na tayo ‘di ba? Hindi ko na alam anong paglayo pa ang gusto. Ano, tayo pa ba ang lilipat ng section o ng school?” Naalala ko tuloy ‘yung best friend ko nung elementary pa ako. Mula Grade 1 hanggang Grade 6 ay magkaklase kami. Magkasama kami lagi sa Math Competitions mula Grade 1 tapos sa Journalism mula Grade 4. Hanggang sa nung mag-Grade 7 kami ay hindi siya nagsabi sa akin ng pagbabago ng plano niya. Ang ending, mag-isa akong nag-enroll sa school ko ngayon tapos doon siya nag-enroll sa school na hindi ko in-apply-an. Ang sakit ‘di ba? Ta’s mula nun ay parang wala na lang lahat. Parang hindi nag-matter yung 6 years at parang hindi na magkaibigan ang turingan. Ganun ata kababaw ang naging tingin niya sa friendship namin tapos ako naman ay super treasure. Naalala ko habang papalayo ako sa kaniya nung Graduation Ball namin ay 'di ko mapigilang malungkot at maiyak. As in kahit anong pigil ko, hindi ko magawang tumigil. Punas na ‘ko nang punas ng luha at sobrang hiyang-hiya na ‘ko maglakad baka kasi ang daming nakakakita na umiiyak ako. Yes I'm only just half assured. Alam ko na may magbabago talaga eventually... Who knows diba. Pero hanggat may trust at bond sobrang 'di ako magdadalawang-isip na isiping mawawala siya. Kasi school lang naman ang mag-iiba sa amin ‘di ba? Meron pa rin namang social media. May phones na naman kami noon at f*******:. Kaso that was before... 'Di na ko sure ngayon. Actually, sure na pala ako na wala na simula nung magkahiwalay na talaga kami. Kasi hindi ko naramdaman yung pagiging kaibigan niya kahit malayo. And sabi ko ‘di ba ‘wag na nating balikan ang past. So stop na. Pero wait. Last na. Nung first day ko nung Grade 7, saglit lang ay nakarating na ko sa loob ng room namin at umupo na ‘ko kahit saan. Pagkaupo ko, talagang 'di ko pa rin mapigil yung sarili kong maging malungkot. Siguro kasi ang fragile ko na dahil sa past experiences ko. Siguro sobrang natatakot lang ako. Siguro masyado lang din akong weak. Biglang may lumapit sa 'kin. "Miss ayos ka lang?" tanong ng isag taong boses lalaki. Napapunas agad ako at biglang napaayos sabay tumingala ako para tignan yung lalaki. "Oo ayos lang ako." Sagot ko. "Ikaw na naman!" sabay naming nasabi. "Wow grabe na talaga kasama ang tadhana. Wag mong sabihing kaklase kita?" tanong ko. "Ay masyado na talagang mapagbiro ang tadhana. Akalain mo ikaw na nga ang nagmamalasakit tas mamasamain pa rin." Sagot niya. "At ano magpapakabiktima ka na naman? So kaklase nga kita? Oh I am done with this life!" "Edi wow! Akala mo siya lang ang nahihirapan at naghihirap. Ang dami-daming nagugutom na mga bata at 'di nakakapag-aral ta’s dahil lang magkaklase tayo magpapakamatay ka na? Buti nga may lumalapit pa sa ‘yo para magmalasakit, eh." "And in the first place pinalapit ba kita? ‘Di ba hindi naman. And please stop... wala ka namang alam, eh. 'Di mo alam kung anong mga pinagdaanan ko sa buhay and don't you ever say it again na magpakamatay na ‘ko." Sabay lingon ko sa ibang bagay. "And why the hell would I care for you? 'Di naman kita kaano-ano eh. And yes I will stop this nonsense s**t na pakikipagtalo sayo kasi masyado kang mapride at masyado kang nagpapadala sa emotions mo!" sabay walk-out niya. Pero oo tamang-tama ako sa mga sinabi niya. Sobra as in. Aware naman ako na ganun na ako pero I can't help it na mas ipamukha pa sa kaniya iyon. Like actually that's my first time na may sinusungitan at tinatarayan ako. 'Di naman talaga ako ma-pride at nagpapadala sa emotions pero towards him siguro nagiging ganun ako. Parang ang fulfilling lang din minsan na may inaaway ka... Kasi yung sarili mo nga ni hindi mo maharap para awayin at komprotahin... Patuloy akong umiyak while I'm feeling guilty and devastated. Gusto kong humingi ng tawad dun sa mokong na yun but as I have said ay I don't know, I'm having this pride na ang taas taas towards him kahit na hindi ko talaga siya totally kilala kahit name man lang niya. And that’s JV. The rest is history after that. I am so glad na nilapitan niya ako that time tapos hindi siya nadala sa pagsusungit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD