Chapter 8: Square One
Deign’s POV
Magkasabay kaming pumasok ulit ni JV. Hindi ko rin siya maintindihan. May dorm na nga sila pero doon pa rin siya sa bahay nila umuuwi. Hindi ko na lang siya tinatanong about dun.
Nag-terminal kami tapos sa may likuran kami ng driver nakaupo.
“Ano, susugurin na ba natin ‘yang Grey na ‘yan?” Pag-aangas ni JV. “Sabihin mo lang. Kami na ang reresbak para sa ‘yo.”
“At ano namang gagawin mo? Ikaw nga ang nagsabi sa akin na siya ang leader ng gang. Anong laban mo run?”
Natahimik siya bigla.
“Ay oo nga. Edi iwasan na lang natin siya. Tayo na lang ang lumayo sa gulo. Kaya mo naman bang kalimutan na lang ang nangyari?”
“Kaya naman siguro. Tsaka kasi nag-sorry siya kagabi.”
“HAH??” Pagkagulat niya.
“Tumahimik ka, please.” Bulong ko sa kaniya. “Kakahiya ako.”
Hindi ako makalingon sa likuran ko para tignan yung ibang mga nakasakay dahil alam kong pinagtinginan na kaming dalawa. Gusto ko na agad bumaba sa sobrang kahihiyan.
“Sorry.” Sagot niya sa akin. “So ano ‘yung chika. Ikwento mo na.” Pagpupumilit niya sa akin.
“Kagabi pumunta siya bigla sa bahay.”
“Wh-“ buti at napigilan ko agad siya dahil sisigaw na naman si bakla. Itinakip ko ang kamay ko sa bunganga niya.
“Yuck.” Inalis ko kaagad ang kamay ko sa bibig niya. “Ang kulit, ah. Mamaya na nga lang ako magkukwento.”
“Hindi. Ngayon na. Sayang ang oras. Diretso klase na agad tayo pagbaba natin.” Buhay na buhay ang chismosa nako po.
Inasar ko muna siya. Hindi ako nagsalita.
“Ayan, ah. Ganiyanan, ah.”
“Joke lang. So ayun na nga. Pumunta siya nang disoras ng gabi. Si Mommy ang nakaharap niya.”
“Wow, may pagkukusa naman pala. That’s nice of him. Pero hindi, it doesn’t cancel what he did to you.”
“Tapos sabi ko kay Mommy na ayoko siyang makausap. Pero ayun, nalinlang ako at pinagbuksan ko si Mommy ng pinto kasi sabi niya gusto niya ‘kong makausap. Eh, kasama niya na pala si Grey. So wala na akong nagawa.”
“Ayun naman pala. So, ok na kayong dalawa?”
“Not really. Pero I am kinda fine with his sorry na. And tama ka na dapat lumayo na tayo sa kaniya. Let’s just be civil and professional.”
“Tama. Mas malayo tayo sa kung anong kaguluhan. Baka mamaya matulad ka sa Meteor Garden. Pero ‘wag kang mag-alala dahil mas maganda si Shan Chai.”
“Oo. Alam ko. Kaya manahimik ka na.”
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa school. As usual, pancake ang trip namin for this week so bumili muna kami sa McDo.
Naalala ko na naman tuloy yung nangyari sa pedestrian lane kahapon. Dapat pala natanong ko na rin siya about dun.
"Hala bakla ano kayang club at org sasalihan natin?" taong ko kay JV.
"Hello, lilipat pa ba tayo? Chance na rin natin maging officer. Pandagdag extra curricular din natin ‘yun."
"Ay grabe! Super sipag naman. Ikaw na ang academic achiever ng taon! Support kita diyan.”
“Join ka na! Dapat dalawa tayo.” Yaya ko kay JV habang naglalakad kami papunta sa room namin.
"Oy! Friend ko na sa sss si Ivan!" Iniba ni JV ang usapan.
"Hala, grabe ka talaga bakla. Mga galawan mo ah. 'Di na kita ma-reach. Ang bilis, ah!”
Sana all na lang talaga ay malakas ang loob.
“Teka, sinong Ivan ‘yan?” tanong ko sa kaniya.
“Yung head ng school paper natin. Matagal ko nang crush ‘yun. Simula nung nakasama tayo sa Star Rising.”
“Ay! Iba ka talaga.”
"Tapos chinat ko siya kagabi!" sabay napakurot siya sa braso ko.
"Grabe bakla ang brutal mo talaga. Kilig na kilig ka naman. Ano ba’ng sabi mo?"
"Ayun basta support support ako dun sa ginagawa niya. Yung karatula chenes." Sagot ni JV.
"Ay ayon, oh. Tapos ano na? Baka naman na-seen zoned ka na lang."
"Oy, bakla nagkakamali ka."
"Hala bakit niligawan ka na? Sinagot mo na? Kayo na?"
"Ay, ikaw ang pinaka-speed sa lahat. Ang layo kaagad ng narating mo. OA ka bakla."
"Eh, ano nga kasi."
"Nag-thank you siya tapos ayun nagtanong-tanong na ‘ko about sa kaniya. Tapos nagtuloy-tuloy na yung usapan tapos ayun na. We're friends na baklaaaaa!"
"Congrats! Grabe iba ka na talaga. 'Pag niligawan ka na niyan nako dadaan muna sa ‘kin ‘yan. Ako muna liligawan niya tas sasagutin ko na siya."
"Ay dakilang mang-aagaw ka talaga. Akin lang siya."
"Eh 'di iyo na. 'Pag ako nakahanap ng akin nako who you ka na."
"Ay talaga ba? Sus ni hindi ka nga makatawid sa kalye nang wala ako eh."
"PSHHHHHHHHHH! Quiet ka lang bakla."
"Tapos laging mahiyain nako. Pa’no ka na makakahanap ng forever mo niyan?"
"Nako eh sila ang dapat maghabol ‘no." sagot ko.
"Eh pa’no kung walang humabol."
"Tsaka ko na iisipin 'yan. Edi desperada mode on na tayo 'pag ganun." Sabay tawa ko.
At nagpatuloy ang usapan naming dalawa hanggang sa madaanan namin si Belinda.
Naglakad na kami sa may catwalk at plant box.
"Hala bakla tara na! Tignan na natin!" biglang hila sa akin ni JV papunta sa may bulletin board sa may center stage. Sobrang nagulat talaga ako.
Habang tumatakbo kami ay sobrang 'di ko malaman kung ano ba yung nararamdaman ko talaga. Makikita namin sa board kung aling club at orgs ang napirmahan ang approval to continue this school year.
Ang daming nakalista. Kasama pa rin ang mga lumang nasa listahan na tapos may ilang bago.
"Oh ano na mga bakla? Saan tayo?" tanong ni JV sa aming dalawa ni Belinda.
"English Club tayo?" Sagot ni Belinda.
"Hala! Eh si Ivan ko? Star Rising tayo sa org since member na naman tayo dati pa. Tignan ko lang listahan if kasama tayo."
"Kaso si Deign..." sabat ni Belinda.
"Oh anong meron sa ‘kin?" tanong ko.
At tinignan ko ang listahan. Biglang may nakabunggo sa akin. Madaling-madali rin siyang tignan ang list.
“Yes!" wika nung lalaki.
At ako hinanap ko yung pangalan ko sa Star Rising.
"Deign Galvez!" Sabay nilingon ko sina Belinda. "OMG nandito ako!"
"Ako rin!” wika ni JV. “Nahiwalay ka sa 'min bakla." Malungkot na sabi ni JV kay Belinda.
"Hala patingin nga." Sabay lapit din ni Ella.
Nagkatitigan kaming dalawa. Niyakap namin sk Belinda.
"Hala pa’no na ‘ko?" medyo naluluha-luhang sinabi ni Belinda. "Sabi ko na nga ba, eh."
Natahimik si JV at pati na rin ako.
"’Wag ka nang malungkot..." mahinahong sabi ni JV "At least sa club ay magkasama tayo."
"Wala naman akong magagawa... Hindi pa naman katapusan ng mundo so happy lang tayo!”
Masaya akong nakitang nakangiti na muli si Belinda.
"Hala siya. Ano end of friendship na kaagad porket 'di lang magka-org? Wag ganun." JV.
"Tsaka bakla sa org lang naman tayo 'di magkasama." Dagdag ni ko.
"Oo na nga mga bakla. Ano bang sinabi ko? Hindi ba ayos nga lang.”
“Baka mamaya kasi super nalungkot ka talaga ta’s dinadaan mo lang sa ngiti.” sabat ni JV.
"’Wag mo na kasing isipin 'yon. ‘Wag ka na ngang magpakanega. Basta nothing will change." Promise ko kay Belinda.
Sabay may lalaking prof na dumaan sa may bulletin board.
"Students you are now supposed to be inside your homerooms."
At lahat ng mga mag-aaral ay nagmadaling umalis.
Nakita ko si Grey na papalapit sa akin kaya naman sa ibang side ako dumaan. Hindi na dapat kami mag-usap ulit or something.
Ako na ang lalayo.
Nagsimula na ang klase namin at simula na rin ng lessons. Tapos na ang pa-intro at kwentuhan with the teachers.
Maagang nag-dismiss ang 2nd class namin so lumabas muna ako at nagpunta sa CR. Nagretouch-retouch ng slight after maghilamos at kumalma. Magkasama kami ni Belinda tapos si JV syempre hindi makakapasok sa CR namin so kaming dalawa lang ang lumabas. Ang tagal naming nagkwentuhan.
Napatingin ako sa relo ko.
"SHOCKS! 15 MINUTES NA TAYONG LATE!" Sigaw ko.
Napatingin din si Belinda sa phone niya.
“HALA! Ikaw kasi, eh! Ang daldal mo.”
“Hala, ikaw kaya ‘yun!”
At dali-dali kaming tumakbo pabalik sa classroom.
Napahinto ako sa may pinto ng room sa tabi ng classroom namin.
Hala papasok pa ba kami o sa next subject na lang? Late na rin naman kami or what. Tsaka first day pa lang naman ng lesson, eh. For sure wala naman sigurong ganap masyado bukod sa intro ng topic and ilang lesson and homework or activities.
So napagdesisyunan namin ni Belinda na tumambay na muna sa library para naman makapagbasa kami kahit na wala kami sa klase.
Habang nasa library ako ay naghanap ako ng magagawa. Nagbuklat ako ng notebooks ko. Balak ko na lang mag-notes. May syllabus namang binigay sa amin kahapon.
“Oo nga pala. Ba't ako naghahanap ng homeworks na magagawa?” tanong ko sa sarili ko.
Naghanap ako ng librong mababasa then nung nakahanap na ako, naupo na ako. Tinabihan ako ni Belinda. Nag-notes na lang kaming dalawa.
Biglang may lumapit sa akin. 'Di ko sure kung Prof ba siya o librarian o isang SA.
"Miss, don't you have any class right now?" tanong nung babaeng medyo may katangkaran, apple cut ang buhok, morena, bilugan ang matang kulay brown, red lips, at half matangos na half hindi matangos ang ilong niya.
"I do have but I'm late for the third subject so I just decided to stay here. You know, wait til the time for the fourth subject comes around." Sagot ko.
“Yes. I’m with her.” Dagdag ni Belinda. “We’re just reading our lesson to compensate for the missed class.”
"Gawain ko rin yan nung pang-umagang sched ang pinili ko. By the way I'm Maica. I’m a volunteer here." Sabay akmang makikipag-shake hands siya.
So ayun nag-shake hands na nga kami.
"So bali 7-11 am yung sched ko rito. 80 hours kasi dapat per month. Gusto ko rin maging permanent na rito one day.”
"Ow I see. It's nice to meet you Maica!"
"Ikaw anong pangalan mo?"
"Ah, ako si Deign tapos siya si Belinda."
"Ohhh what a nice name for the both of you."
Umalis na si Maica at nagpatuloy na kaming magbasa at magsulat.
"Well I'm also an SA pero yung sched ko is 50 hours per month so 2 hours and 30 minutes lang ako per day. Mamayang 2 pm yung start ng shift ko." Biglang sabi ni Belinda
"SA ka rin naman pala, eh."
"Yah kaso first time. Transferee ako eh."
"Paturo ka kay Maica mamaya! Ba’t ngayon mo lang nasabi ‘yan? Sipag naman ng friend namin.”
"Nahihiya kasi ako. Pero buti napadpad tayo rito at may nakilala na agad. Ok lang ba chikahin ko muna si Maica? Ako pala papalit sa kaniya mamaya.”
“Ito naman nagpaalam pa. Go na.”
At tumayo na si Belinda.
Matapos ang less than an hour ay bumalik na kami sa room namin.