Chapter 38

1754 Words
Chapter 38: All You Had To Do Was Stay Deign’s POV Longing for her. 1st day of mourning. At kagaya nung sinabi ng doktor ay namuhay na lang kami ng normal. Hindi ko ipinapakita kay mama na malungkot ako at nasasaktang nakikita ko siyang unti unting naghihirap at nanghihina bawat araw. At isang araw ay nangyari na nga ang pinakakinakatakutan ko. "Anak hindi ko na kaya. Matutulog na ako." Pagkasabi nun ni mama ay naiyak ako. Sumuko na si mama. Wala na siyang natitirang lakas para lumaban pa. Hinang hina na siya. Napakapayat na niya. Hindi na siya makatayo. Hindi na siya makahawak ng mga bagay. Hindi na siya makakilos na kagaya ng dati. Hindi ko na pinilit na lumaban pa si mama. HInayaan ko na siyang matulog habambuhay. Napakasakit man para sa akin nun ay ginawa ko pa rin dahil alam ko na hindi na rin niya kaya. Alam ko na hindi na siya gagaling pa. Tanggap ko na rin na magkakahiwalay na kaming dalawa. Napakasakit mawalan ng nanay. Parang wala na akong puso. Parang isa na lang akong asong pagala gala. Tulala na lang ako, hindi nagsasalita, at patuloy na tumutulo ang luha ko. Sana nung una pa lang alam ko na na may sakit siya. Sana buhay pa siya. Sana nandito pa rin siya sa tabi ko at patuloy akong pinapangaralan. Sana ay meron pa akong best friend na laging nandiyan ano mang oras, ano mang lugar, ano mang panahon. Ngayon pa lang namimiss ko na siya. SABI NG AYOKO NG FLASHBACKS EH! Ayaw tumigil ng utak ko kakapaalala sa akin ng mga happy memories namin ni mama. Ang pinaka mamimiss ko ay yung every year may birthday surprise siya sa akin. Mamimiss ko rin yung mga araw na nagbobonding kaming dalawa lalo na nung mga araw na hindi pa kami ni Grey. After malibing ni mama ay nagstay ako sa puntod niya. Inalala ko lang lahat ng pinagsamahan namin ni mama. Pero hindi pala gaganda pakiramdam ko dahil doon. Lalo lang akong nalungkot. Lalo ko lang siyang namiss. Wala na si mama. Wala na ang babaing pinakamamahal ko. Wala ng magagalit sa'kin tuwing nagkukulit ako at hindi ako sumusunod. Wala ng magagalit sa akin tuwing mabababa ang grades ko. Wala na akong pagkukwentuhan ng mga pinaggagawa namin ni Grey. Wala na akong mapagsasabihan ng mga secrets ko. Wala ng magsusurprise sa birthday ko. Wala ng manggigising sa akin tuwing umaga. Wala ng magluluto para sa akin. Wala ng maglalaba para sa akin. Wala ng magbabalot ng notebooks ko. Wala ng tutulong sa akin sa twing gumagawa ako ng homeworks. Wala ng tatabi sa pagtulog ko tuwing bumabagyo. Wala ng hahalik sa noo ko tuwing umaga bago ako pumasok sa school. Wala na akong kasama sa pagtupad ko ng aking mga pangarap. Hindi na ako kumpleto. Wala na akong best friend. Wala na akong Kakwentuhan. Wala na akong mama. I love you mama! Even when the night changes. Kina Grey ako natulog nung gabi. Dun ako natulog sa kama ni Grey tapos siya naman ay sa sahig. Hindi ko kayang magstay sa bahay kasi lalo ko lang naaalala si mama sa bahay. Lalo lang akong maiiyak pag nagstay pa ako sa bahay. Kinaumagahan ay nakatanggap ako ng text. I will go back to the Philippines and I will fetch you on the 31st so prepare now all your things. Nagulat ako sa text na iyon. Hindi ko iyon inaasahan dahil nakalimutan ko na rin yung 'sa-US-ako-mag-aaral' thingy. Matapos kong mabasa 'yon ay parang ayoko ng bumangon sa kama. Ayokong umalis dito. Paano na si Grey? Ano ng gagawin ko? Tuluyan na akong mababaliw! Pinabangon na kami ng mama ni Grey dahil handa na raw ang agahan. "Sige Grey mauna ka ng bumaba. Susunod na lang ako." Sabi ko. "Sige. Kung may kailangan ka man tawagin mo lang ako ah." Tumango lang ako at lumabas na siya ng kwarto. After ng ilang minutes ay lumabas na ako ng kwarto. Pero wala pa rin akong ganang kumain lalo na ngayon at may matindi na naman akong pagdadaanan. Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari. Umupo na ako sa tabi ng lamesa at nagsimulang kumain ng paunti unti. "Grey. May sasabihin ako sa'yo." "Ano 'yon?" tanong ni grey "Mamaya na lang." "Oh sige ikaw ang bahala." At natapos na kaming kumain. Lumabas na ako ng bahay para ayusin na yung gamit ko. "Deign. San ka pupunta?" tanong niya sa akin. "Sa bahay." Sagot ko. "Anong gagawin mo dun?" Di na ako sumagot. "Sasamahan na kita." Di ulit ako sumagot. Tuloy tuloy lang akong naglakad. Walang hinto, walang kung ano. Di ko pinansinsni Grey na nasa likod ko lang pala. Sinundan niya nga ako. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay umakyat agad ako sa kwarto ko. Kinuha ko yung maleta ko at nagsimula na akong mag-empake ng gamit ko. "Anong ginagawa mo Deign?" tanong sa akin ni Grey. Di ako sumagot. "Sagutin mo naman ako! Para naman akong walang kinakausap. " "Nag-eempake ako ng gamit ko hindi ba halata?" "Bakit ka nag-eempake ng gamit?" tanong ulit niya. "Sa amin ka na ba titira?" "Tapusin na natin 'to Grey. Break na tayo." Bigla kong sinabi. "Hindi na kita mahal. Ayoko na sa'yo." "Bakit mo ba ginagawa ito? Bakit natin tatapusin 'to?! Panong di mo na ako mahal?!" At ngayon ko lang nakitang galit si Grey. His eyes hardened and his face became blank. Ito na. Nagsisimula na naman ang isang pangyayaring di ko gusto. Hindi ko lang naman ito ginagawa para sa sarili ko. Para rin ito sa ikabubuti naming dalawa. "Basta tapusin na natin 'to!" I exclaimed. "Hindi na mag-wowork ang isang relasyong katulad ng atin." "Ano ng nangyari sa walang iwanan natin!" inilalabas na niya ang galit niya. "Bigyan mo ko ng acceptable reason para itigil na natin ito." "Kasi ayokong masaktan ka pa lalo. Ayokong masaktan pa kita lalo. Ayokong masira ang buhay mo dahil sa akin." "Pero dahil sa ginagawa mo lalo mo lang akong sinasaktan. Lalo lang akong nasasaktan. Mas lalong masisira ang buhay ko dahil sa'yo pag tinapos na natin ito." Sa sinabi niyang 'yon ay aaminin ko na medyo natauhan ako. Ako lang ang magiging dahilan ng pagdurusa niya. Nangako ako na hindi ko siya sasaktan pero ngayon ginagawa ko na. Promises are always meant to be broken. "Siguro nga mas mabutina iyon." "Hah! Mabuti iyon?! Mabuti 'yon para sa'yo?" "OO!" sagot ko. "Bakit ba sarili mo lang ang iniisip mo?" "Sa tingin mo ba sarili ko lang ang iniisip ko? Kaya ko ito ginagawa kasi nga para rin 'to sa'yo." "Para sa akin? Ano namang mapapala kong maganda kapag naghiwalay na tayo? Ibabaon mo na lang sa limot lahat ng pinagsamahan natin? Itatapon mo na lang lahat ng mga alaala natin?" "Hindi sa ganon pero kailangan lang talaga natin maghiwalay." Sabi ko. "Ano nga kasing dahilan?" At naluha si Grey. Ito ang unang beses na nakita ko siyang naluha. At ako pa ang nakapag paiyak sa kaniya. "Ano bang naging pagkukulang ko? May mali ba akong nagawa? May masama ba akong nagawa sa'yo? May nasabi ba akong nakasakit sa'yo?" "Wala." Sagot ko. "Hindi pa ba sapat na dahilan na hindi na kita mahal." At hindi ako makatingin sa kaniya. Alam ko sa sarili ko na hindi totoo 'yon. "Tignan mo ko sa mata. Sabihin mong hindi mo na ako mahal." At tinitigan ko siya sa mata. Puno na ng iba't ibang emosyon ang mata niya. Hindi ko masabi sa harapan niya na hindi ko na siya mahal dahil ang totoo mahal na mahal ko pa rin siya. "Hindi mo nga masabi sa harapan ko. Hindi ako naniniwala sa'yo." "Pupunta na ako sa Amerika. Doon na ako mag-aaral. Doon na ako titira." "So wala kang balak sabihin sa akin na pupunta ka sa Amerika?" tanong niya. "Iiwan mo na lang rin ako ng basta basta?" "Yun na nga eh. Ayoko kasing sabihin sa'yo dahil alam kong masasaktan ka lang." "Masasaktan talaga ako! Sino ba namang hindi masasaktan kapag alam niyang iiwan na siya ng taong mahal niya. Para namang ginawa mong ako naman ang namatayan! " "Susunduin na ako ni papa bukas." "Bukas na agad? Hindi ba pwedeng after one week or one month or one year?" At patuloy na umiyak si Grey. Pagkatingin ko sa kaniyang umiiyak ay hindi ko na rin napigilan ang sarili kong maiyak. "Pupunta dito si papa bukas. Baka ibebenta na rin tong bahay." "Eh ano pa nga bang magagawa ko?" narinig kong binulong ni Grey sa sarili niya. "Alam ko na! Pwede ka namang mapag-aral nila mama't papa. Kukuha na lang ako ng scholarship tas yung pangtuition ko sa'yo na lang mapupunta." "Ayokong maging pabigat sa magulang mo Grey." "Hindi! Papag-aralin ka namin! Sa amin ka na lang titira!" "Kung papayag si Papa." "Pipilitin natin siya. Pakikiusapan natin siya." Niyakap ko bigla si Grey. "Maraming salamat Grey! Di ko alam gagawin ko kapag wala ka." "Wala yun. Basta kapag may problema sabihin mo kaagad sa akin para masolusyonan nating dalawa. Walang iwanan." Sabi ko. "Tumigil ka na nga sa lagi mong pasasalamat. Ginagawa ko naman ito dahil mahal kita at may responsibilidad ako sa'yo." "Salamat talaga!" Buti pa si Grey kumakapit walang iwanan eh sammantalang ako walang ginawa kundi pabigatin ang nararamdaman niya. Tama! Pipilitin ko si papa na dito na lang ako mag-aral. Pipilitin ko si papa na wag na lang ako umalis. Bumalik na ako sa bahay nila Grey. Naligo ako pagkarating ko at natulog ulit ako. Pagkatapos nun ay binisita namin ni Grey yung puntod ni mama. "Ma! Sana po nandito kayo para tulungan akong makapagdesisyon. Sana po tama yung desisyon ko na manatili rito. Alam kong kaya naman akong pag-aralin nila Grey at ayoko namang malayo sa inyo, kay Grey, kay tito at tita, sa mga kaibigan. Alam mo ma, di ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil pupunta dito si papa. Pano kaya kung sabihin kong dito na lang siya magtrabaho at dito na lang siya tumira for good? Papayag po kaya siya?" Inakbayan ako ni Grey. "Sana po ma nandito kayo para may tumutulong sa akin sa pagdedesisyon. Sana nandito kayo para pagaanin ang loob ko." At napaiyak ako. "Wag kang mag-alala Deign. Nandito lang kami para sa iyo. Hindi ka namin iiwan. Di ka namin pababayaan kaya sana wag mo kaming iiwan." Sabi ni Grey. "Alam ko naman yun Grey. Wag kang mag-alala. Di ako sasama kay papa. Di ko kayo iiwan." At ito na naman ako, nangangako na di ko sila iiwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD