Chapter 14

1960 Words
Chapter 14: Paul Deign’s POV May lalaking lumapit sa akin habang hinihintay ko sina JV at Belinda sa may gate. Bumalik lang sila sa dorm tapos ako naman ay may dinaanan sa office. Ramdam kong tinitignan niya ako. Pero hindi ako kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit. Tapos bigla niya akong kinalabit. “Kiel nga pala.” Sabay porma niya sa pag-shake hands. “Uhm? Bakit po?” tanong ko sa kaniya. Tinitigan ko siya dahil pamilyar talaga ang mukha niya. “Section 1 ka po, ‘no?” tanong niya sa akin at halatang iniiwasan niya akong sagutin. “Paano niyo po nalaman? Magkakilala po ba tayo?” Sunud-sunod kong tanong sa kaniya. “Nakikita ko lang po kayo lagi. Ako po ba? Nakikita niyo lagi?” Ano kayang tanong ‘yun? Ang weird. Pero nag-isip ako at nagbalik-tanaw. Pamilyar kasi talaga siya. Nakakainis lang na ang purol ng memorya ko. “Bakit hindi ka pa po mauna? Bakit nandito ka pa?” Iritableng tanong ko sa kaniya. “Ikaw ba?” “Hinihintay ko pa kasi ang mga kaibigan ko. Ikaw, mukhang paalis ka na naman ata so mauna ka na po.” “Hindi. Ayos lang ako. Samahan na kita.” "Layuan mo muna ako sorry. Nagiging uncomfortable na kasi ako. At bakit pa kasi Kiel ang naging pangalan mo?" pero 'di talaga ‘ko nagtatanong. Hindi ko alam kung bakit itong Kiel ay biglang naging close sa akin. I mean nag-f-feeling close. Pamilyar ang mukha niya. Parang nakasama na siya ni Grey? "Hala pati ba naman ikaw may issue sa ‘Kiel'?" tanong ni Kiel. "Haaay wag mo nang alamin kung bakit." Sabi ko. “Tsaka, buti sana kung may alam ako sa ‘yo kahit papaano. Pero wala.” "Ok chill lang tayo. Wag lang sanang madamay yung kung ano mang meron sa Kiel mo na yan sa Kiel na kaharap mo ngayon." "Pasensiya na 'di ko lang talagang mapigilang 'di siya maisip." Grabe ba't gaun ang dali kong humingi ng tawad kay Kiel pero pagdating kay Mr. FC parang ang imposibleng magawa kong mag-sorry. At bakit ba nagkukwento ako rito sa taong ito. Tsaka hello bakit pa nga pala ako nagpapaapekto dun sa mokong na 'yun? Dapat nakaget-over na ‘ko. So ok, dapat normal na lang na may kasama akong Kiel. "Mahal mo pa? Or wait baka naman nagkakamali na naman ako. Baka naman friend mo lang siya." "Kaibigan ko dati. Minahal ko ba?" tanong ko sa sarili ko. "Aba eh malay ko sa ‘yo. Ba't ako ang tinatanong mo?" "Hindi kasi. Sarili ko ang tinataong ko. ‘Wag ka nga." "Ah, ganun ba. So feeler na ‘ko ganun?" tanong niya. "Parang ganun na nga. JOKE!" sabay tawa ko at natawa rin siya. "Ayan mas ok ka naman pala pag nakangiti, eh. Nakaka-down kasi kapag nakasimangot ka or nakakunot yang noo mo." Puna ni Kiel. "Alam mo ba ‘yan na ‘yan din yung sinabi niya sa akin dati." Bigla akong may naalala. "Ay, common naman kasi yang line na ‘yan. At totoo rin naman na mas maaliwalas tignan ang isang tao kapag nakangiti." "Sabagay. May point ka." Pagsang-ayon ko sa kaniy. "’Wag kang mag-alala lagi na ‘kong ngingiti para sa sarili ko at hindi para sa ibang tao at ma-please sila." Ngumiti ako nang as in ngiting-ngiti. "Much better. Kesa naman sad ka parati. Kahit 'di na para sa kin, Deign. Para na lang sa sarili mo." Ang mature niya pakinggan ba't ganun. Parang ang tanda na niyang magsalita. "Opo sir." Sabay salute ko. Hmmm… bakit nga ba naging close na kami agad nito? Ano ba ang alam nito sa buhay ko? Nakakatakot na, ah. "Hala siya." Sabay tawa naming dalawa. "Eto maiba naman. Eh bakit ba inis na inis ka dun kay Grey?" tanong niya. "Actually 'di ko rin alam, eh. Sa tuwing makkita ko siya bigla na lang akong nagiging mataray na 'di ko malaman. Pero may chika ako sa ‘yo." "Hala ano yan?" “Teka, bakit natanong mo siya?” “Nakikita ko kasi kayo parati. Either nagtatalo or di ko alam.” “Ah, sabagay.” “So ano ang nasagap mo?” "Yung Grey na ‘yun 'di ko alam, ah, pero parang confused pa yun sa gender niya, eh." "Ah, oo kanina may nabanggit siya tapos akala ko nga gay siya eh kasi kung magkwento akala mo may namamagitan sa kanila nung kung sinong taong tinutukoy niya." "Hala! Siguro naman mali ako ‘no?" "Pero hindi maganda ‘yang ganiyang ugali. Payo ko lang sa ‘yo. Hindi topic para sa lahat ang gender or sexuality ng isang tao. Hindi natin trabaho o problema na hulaan sila. Wala dapat tayong pakialam.” Natameme ako. I am called out right ay this moment. Pero hindi ko naramdamang napahiya ako. But at least I learned something. Nag-ring na yung bell muli. Tapos na ang last class ng ibang mga klase. 30 minutes na lang tapos na ang pinakahuling klase ng mga senior high school students. Mabuti naman at kusa nang umiiwas 'tong si Mr. FC. Natahimik na ‘ko at naging mapayapa na yung buhay ko sa loob ng ilang minuto. Sana maging ilang oras. Cease fire woooo! Makalipas ang ilan pang minuto ay nauna na si Kiel. Tapos tsaka naman biglang dumating sina JV at Belinda. “Nako, ang tagal, ah!” Reklamo ko sa kanila. “Sorry na. Tara na. Ililibre ka naman namin, eh.” wika ni JV. Nakakapanibago talaga 'tong araw na 'to. Ang weird ng mga nangyari nitong huli tapos panobagong away na naman kay Grey. Kailan kaya matatapos ang gyerang ito? Nagpagawa na kami ng postal ID tapos umuwi rin agad. Pagkauwi ko sa bahay ay nagpahinga muna ako tapos gumawa na ng homewoks. Hinintay kong dumating si Mommy para sabay kaming dalawang makapaghapunan. "How's your first week Princess?" tanong ni Mommy. "It was great actually. Kayang-kaya. Pero meron lang pong makulit na tao." Sagot ko. "Oh that's alright my dear." Tinry akong i-comfort ni Mommy. “At sino ‘yang makulit na tao na ‘yan? Inaaway ka ba? Just tell me.” "I am fine now with that." Sabay ngiti ko. Ayoko na ma-stress si Mommy doon dahil kaya ko namang i-handle. "It's good to know that you're doing good." Bati ni Mommy. Nagkatinginan kaming dalawa ni Mommy. "Hon, I have to tell you something..." mahinahong sabi ni Mommy. "Yes tungkol po saan?" tanong ko. Kinabahan ako bigla. Hala tungkol kaya saan ito? Ampon lang ba 'ko? May sakit ako? Ano kaya iyun? *knocks 3 times on the table* "I received some news." Pagpapatuloy ni Mommy. "From and what is it about?" tanong ko ulit. "From a private institution..." biglang humina yung boses ni Mommy na para bang may halong lungkot. "Listen Princess." Sabi ni Mommy. Teka ano na ba talagang nangyayari! Nakakakaba naman nang sobra 'to. "What is it about Mommy?" tanong ko. "We're moving." Sagot ni Mommy. "What do you mean we're moving, Mom?" 'di ko talaga na-gets yung sinabi ni Mommy. "We are not living here for the next years of our lives." Paglilinaw ni Mommy. “But we will not leave until you graduate Senior High.” "But why? Ano pong nangyari? Ba't tayo aalis?" sunud-sunod kong natanong. "So here's the case, hon. Our house is now being owned by a private institution where as this was really a public property and in the first place we do not have the title of this land." Paliwanag ni Mommy. "Ok na po. So lilipat po tayo ngayon? Tapos lilipat tayo after Senior High? So sa’n na tayo lilipat?" at sumubo ako ng isang kutsara ng kinakain namin. "Yes. Tama ka, anak. Nabili na ang malaking parte nitong street natin. Tapos nagparamdam ang Daddy mo na kukunin niya tayo soon. We are moving next Saturday. We will move to the partner condo of our company near our office." Sagot ni Mommy. "Ahhhhhh wala naman pong problema dun. Kaso sa biyahe ko po paano? " "Princess, you're not living with us –" sabay putol ko agad sa sinasabi ni Mommy. "What?! Yes I do understand that it's too far from my school –" pinutol naman ako ni Mommy. "Unless you want to transfer again." "No! I don't want to. So where will I stay?" tanong ko. "We're currently checking the dorm partnered with your university." Sagot ni Mommy. "Ah yung dorm dun sa may isang kanto sa loob ng school?" Sabay subo ko ulit ng pagkain. "So are you ok with all of this?" tanong ni Mommy. "What can I do? There's no problem Mommy." "But I will fetch you every Friday evening and then you'll go back to your dorm during Monday morning." Dagdag ni Mommy. Ngumiti lang ako. "I'm good with it." Sabi ko. So ayun nagpatuloy na kaming kumain. After nun ay umakyat na kaagad ako sa kwarto ko at tinawagan ko si JV. Nag-voice message kami sa messenger. JV: Oy bakla ba't napatawag ka? Miss mo na naman ako, ‘no? Me: Oo masyado ka kasing special, eh JV: Hala siya. Me: Kinilig ka naman. Sabay tawa ko. JV: O ba't ka nga napatawag? Me: Wala lang. Gusto lang kitang makausap. JV: O gora lang. May chika ka ba? Me: Meron bakla. Lilipat na kami. JV: Hala! Bakit naman? Sa’n kayo lilipat? Me: 'Di ko kasama sila Mommy. Siya sa condo ako sa dorm. JV: Ay inalila ka, bakla. Tumawa nang malakas si JV. Me: Wala, eh. No choice ako. Ang layo-layo nung condo. Tapos sagot naman ng company ang gastos ni Mommy and baka naisingit ako sa budget. JV: Eh sa'ng dorm ka naman? Me: Syempre dun sa malapit sa school. Yung nasa loob ng school natin. JV: OMG! Gusto mo ba hanapan na kita ngayon na mismo ng bakante rito? O gusto mo dito ka na lang sa dorm namin? Me: Hala. Oo nga! Kaso masikip na ata diyan sa inyo tapos sisingit pa ‘ko. Pero pahanap na ako ng pwesto diyan, ah! JV: ‘Wag ka nga bakla. Excited na ako. Me: Eh, tumigil ka ako rin excited na. JV: Lagi naman tayong magkasama tuwing break tapos lagi naman tayong nag-uusap. Tapos ngayon magiging dorm buddies pa. Me: Alam ko naman yun, eh. Kaso wala mag-iiba na halos lahat. Naisip ko lang bigla. Magkakalayo kami ni Mommy. JV: Nako naman bakla. Alam mo namang mahal na mahal ka ni Tita. Uuwi ka naman weekly ‘no? Me: Yes. Kaya hindi ako makakapag-groupings na ng weekends. Ibibigay ko na ‘yun kay Mommy. Nalungkot tuloy ako bigla. JV: By the way sa Friday nga pala alam mo na. Me: Sige sige sa next Saturday pa naman kami lilipat eh. JV: Over night yun tas tayong tatlo lang. Me: Hala bakla! Party party! Yuck ang tanda mo na. JV: Oo nga eh tapos ikaw mukha namang matanda. JOOOOOOOOOOKE! Me: Ah ganiyanan na ah. 'Di ako pupunta. JV: FO na sige ka. Me: Ay sige i-susurprise ka na lang namin. Ayan para mag-expect ka tas aasa ka naman pero wala naman talaga. JV: Che! Manahimik ka. Me: Sus alam ko namang nag-aabang ka eh JV: Lah 'di kaya Me: Basta ah sa Friday magugulat ka na lang. JV: Oo na. Nako tinatawag na ko ni Mama. Ngayon pa lang kami kakain ng hapunan. Me: Sige sige nako pakabusog ka ah. JV: Opo madam. Bye na muna. Me: Bye! After namin mag-usap ay gumawa ako ng GC para sa birthday ni JV. Syempre kaming tatlo lang nina Belinda at Tita. Sobrang mahihirapan kami kung sa personal kami mag-uusap since lagi kaming magkakasama tapos 'di ko pa kasabay umuwi sina Belinda. Buti hindi natapat ng lilipat kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD