Third Person P.O.V. Agad akong nagbihis at lumabas ng kwarto nang sa paglabas ko ay masayang mukha ni Bebang ang sumalubong sa akin. "Besprend!", salubong ni Bebang. Nagugulohang napayakap si Elara habang napatingin sa likod ni Bebang kung saan nakatayo si Jaxon na nakasuot ng Arm Sling at Neck Brace dahil nabalian ang binata sa braso, at nagkaroon ito ng injury sa leeg matapos ang ginawa ni Bebang. "Paano mo nalaman na nandito ako, Besprend? " "Pinaamin ko ang lalaking yan. Nadulas kasi siya kanina kaya napagtanto ko na yong lalaking humablot sayo kanina ay kilala niya. Kaya lang ang tagal umamin kaya dinaan ko sa marahas na paraan. Wala sa pamilya ng Malaswa ang umaatras sa laban kaya iyan ang napala niya" "Ang astig mo talaga, Besprend. Halika, doon na muna tayo sa kwarto ko", an

