Elara's POV Kinabukasan ay wala akong nagawa kundi ang sumama kay Señorito Nicolai. Pagpasok pa lang ng kanilang kompanya ay sobra na akong namangha. Sobrang laki at ganda sa loob. Halos lahat ng mga empleyado doon ay nakayuko at bumabati kay Señorito. Mataas at importante na tao ni Señorito kumpara sa akin na walang pagkakalinlan at lumaki sa gitna ng kagubatan.Hindi talaga kami para sa isat-isa. Napapansin ko ang mga taong nadadaanan namin na kung makatingin sa akin ay simula paa hanggang ulo tapos bubulong sa isat-isa. Akala mo naman magaganda. Halos pumutok na ang mga labi at mukha dahil sa mga palamuti na nandoon.Yan ba yong tinatawag na make up? Yong ginagamit ng mga bida sa Drama na napapanood ko. "Good Morning, Sir", bati nila nang makapasok na kami sa labas ng opisina ni Señ

