Elara's POV "Pansamantala ay dito na po muna kayo mag-oopisan Ma"am Elara. Wag po kayong mag-alala dahil ituturo po namin kung ano ang mga galawan sa loob ng Kompanya", wika sa akin ng isang staff. "Salamat po" Namangha ako sa ganda ng opisina ko. Halos kasing laki ito ng kwarto ko sa mansyon. Naupo ako sa maganda at malambot na sofa nang biglang dumating ang bruha kong kapatid. "You are not here to sit but to work. Do you understand? Now, scan these documents, and give me the soft copy as soon as possible", taas kilay niyang wika kaya tumayo ako sa kinauupoan sabay angat ng mukha sa harapan niya. "Okay. Makakalabas kana" Inirapan ako ng bruha kong kapatid, halatang-halata ang inggit niya sa taglay kong ganda. Wala siyang laban sa akin dahil hindi lang pangit ang ugali niya, pati na

