Third Person P.O.V. Hinarang bigla ni Nicolai ang kamay ni Ravenna para hindi ito dumapo sa mukha ng kanyang pinakamamahal na si Elara. Nakayuko lamang siya ng mga oras na iyon para hindi makilala. "Super Hero mo ba yan, Besprend!", sigaw ni Bebang habang si Elara ay nabigla din sa ginawa ng lalaki na kasalukuyang nakatalikod sa kanya. "Hey! Who are you para makisawsaw dito? ", naiinis na tanong ni Ravenna ngunit imbes na sagotin ng binata ang tanong ay mabilis na kinuha ni Nicolai ang isang kamay ni Elara sabay karipas ng takbo papalayo sa mga ito. "HOY! Wag mong i- kidnap ang Besprend ko! Bumalik kayo dito! ", sigaw ni Bebang matapos itakbo ni Nicolai ang kanyang kaibigan. "Damn! . Ang landi-landi talaga ng babaeng yan. Nakakadiri kung sino-sino ang lalaking kinakabitan", aniya Ra

