Third Person POV Sa Mansion ng mga Salcedo nagpalipas ng Gabi Si Nicolai dahil yon ang gusto ni Ravenna para tuloyan na daw na gumaling ang dalaga. Samantalang si Elara ay hinihintay ang pagdating ng kaniyang Señorito Nicolai ng gabing iyon. Pabagsak na napaupo ang dalaga sa kanyang Kama, at naiinis na binuksan ang Television para manood ng drama. Dahil sa pagod at lungkot ay nakatulog siya habang bukas ang TV. Kinabukasan ay napabalikwas siya ng bangon dahil sa ingay na likha ng TV. Agad-agad siyang bumangon at sinarado yon. "JuskoPo! magdamag pala itong nakabukas", wika ng dalaga sa sarili. Dali-dali siyang naligo at bumihis sa pag-asang umuwi na ang kanyang Señorito Nicolai. "Umuwi po ba si Señorito Nicolai? ", agad na tanong ng dalaga kay Aling Dalia. "Hindi siya umuwi, Iha. An

