Third Person P.O.V. "Saan ka galing? ", bungad na tanong ni Madam Editha kay Nicolai ng araw na umuwi ang binata sa kanilang Mansyon para kumuha ng mga Dokumento. " In a place far from you, Daddy and Ravenna", malamig na sagot ni Nicolai sabay yapak ng mga paa paakyat ng hagdan ngunit pinigilan siya ng Ina. "Hindi ka ba naaawa kay Ravenna? Nasaktan mo siya, Anak. Sana ay mauntog na yang ulo mo at bumalik sa kanya" "Hindi na po yan mangyayari. Paano ako maaawa sa katulad niyang saksakan ng sama ang pag uugali. Hindi lang naman siya ang nasaktan dito. Ako at si Elara ay nasaktan din", giit ng binata pagkatapos humarap sa Ina. "Puntahan mo siya ngayon sa Hospital", matigas na pamimilit ng Madam "Para saan pa Mommy? "Nag tangkang magpakamatay si Ravenna sa pamamagitan ng pag inom ng n

