Third Person P.O.V "Hindi pa tapos ang seremonya, Besprend. Saan ka ba pupunta? ", nag-aalalang tanong ni Bebang matapos umalis ni Elara sa gitna para umihi bilang palusot. "Nakita ko si Inay kanina. Sigurado ako na si Inay yon", aniya ni Elara habang palinga-linga kung saan para hanapin ang kanyang ina. " Nandito si Aling Nenita? Paano naman yong mangyayari, Besprend? Baka namalikmata ka lang. Kailangan mo ng bumalik sa loob dahil hindi pa tapos ang programa" "Hindi ako namamalikmata. Si inay ang nakita ko kanina. Tulongan mo ako, Besprend. Doon ka sa likod ng Mansyon maghanap dahil tutungo ako ng Hardin para hanapin din si Inay", aniya Elara. Nagmamaktol na sumunod si Bebang sa utos ni Elara samantalang si Nicolai ay agad na kinuha ang isang Kamay ni Elara nang mapansin na papalayo

