Cecily PUMASOK pa rin ako sa school. Sabi ko nga ay baka makita ko si Ma’am Inessa. Somehow, gusto ko siyang makausap. Baka may maipapayo siya sa akin. Sa maiksing panahon na nakilala ko siya ay magaan ang loob ko rito. Siguro kasi mother-figure siya para sa lahat ng estudyante. Kaya lamang nang pumasok ako sa loob ng klase namin, narinig ko na wala raw si Ma’am Inessa. Ikinadismaya ko iyon pero hinayaan ko na lang din. Wala ako sa sarili ko madalas dahil iniisip ko si Damon…at Dmitry. Kumusta na kaya sila? Sa tingin ko, kung wala na akong pasok ay maaari ko na silang madalaw at makakapag-usap na ulit kami ni Dmitry. Ang bagal ng takbo ng oras. Siguro dahil gusto ko nang umuwi. Nang matapos ang klase ko, napabuntong-hininga ako. Wala nga pala akong sundo. Sinabi ko sa driver ni Dmitr

