Cecily HINDI AKO makapaniwala nang makita ko ang kalagayan ni Ruslan. Natulala ako roon kahit noong umaalis na. Sobrang iwas niya sa mga tao at akala mo ay takot na takot. Alam ko na wala siya sa matinong pag-iisip. Hindi niya nga ako makilala. I know someone who isn’t in the right state of mind. No, I am not an expert pero dalawang taon ko ring nakasama ang mga ganoon. Hindi rin totoo na masama sila dahil maraming kailangan lang talaga nang tamang pag-aalaga at aruga. The question here is, what happened to him? Hindi ba dapat hawak siya ni Dmitry? Anong ginawa ni Dmitry sa kanya at bakit siya naririto? Ang daming katanungan sa akin. Napatalon ako nang may humawak sa aking balikat. Tiningnan ko kung sino iyon at nakahinga nang maluwag nang makita ko si Anton. Sinenyasan niya ang mga

