Chapter 42 IBINABA KO ang binocular na gamit ko pagkatapos kong tignan mula rito ang taong halos isang araw na naming sinubaybayan. Pero ang nahalata ko lang sa taong ito ay makati siya! Paano ba naman apat na lalake sa isang araw? May ganon pa lang babae. Sa pagkakaalam ko mga lalake lang ang ganun pero hindi rin magpapahuli ang babaeng ito. Hanep rin 'e. Leche! Kanina pa ako nagmamatyag sa babaeng yan, makipag-landian lang ata ang alam nito. Napailing nalang ako at sumandal ng maayos ulit sa shotgun seat at napabuga ng marahas na hangin. Napabaling naman ako sa katabi ko mahina itong tumatawa. Sinamaan ko naman ito ng tingin at inabutan naman ako ng Sandwich. "Oh!" Saad niya habang may ngiti ito sa mga labi. "Kung punitin ko kaya yang labi mo?" Saad ko sa kanyasa walang emosyon

