Chapter 27 LAHAT ng tao nagkakamali. Lahat din ng tao nadadapa dahil tanga. Sabi nga ni ermat kapag nadadapa ako ayan kasi tanga!. Lahat ng tao nagiging tanga at bobo sa pagibig. At paano ako napunta sa pag-ibig thingy na 'yan? Meron ding pelengero't pelengera. May paasa at mga taong umaasa. Meron ding baliw gaya ko. Kung anu-ano ang naiisip. At lahat din ng tao nabibiwisit, gaya ngayon. Ang sarap lng pumatay ng kuto dahil sa naiirita ako sa bunganga ng babaeng ito. Sarap lagyan ng bunganga nito ng cup na iniinom ko dito sa mansyon. Nakaharap ako sa kanya. Na dada ng dada ng kung ano. Siguro ng magpasabog ng kadaldalan ang diyos nasalo nya lahat. Pati rin ang pinsan nyang pinaglihi sa pinturang puti nasalo nya lahat ang pagkapipi. Akalain mo yun? Tinalbugan pa ang nagbibinyag sa sout

