“ATE, UWI na tayo…” Tumayo si Clea at humawak sa laylayan ng damit ni Serene. Pero tila ay na-estatwa na ang dalagita. Gusto niyang umalis sa kinalulugaran pero hindi niya magalaw ang mga paa niya. Kung hindi nga lang nakatungtong ang mga kamay niya sa lamesa ay baka tuluyan na siyang tumumba sa sahig. “Gusto mo bata… sa akin ka na lang muna?” Sa lahat ng salitang binanggit ng mga pulis na ito, roon siya pinakanasaktan sa sinabi ng ikatlong pulis na nakaupo naman sa cubicle sa kan’yang kanan. Nang mapatingin siya rito ay dinidilaan pa nito ang pang-ibabang labi na parang may iniisip na hindi maganda. “Ikaw pa talaga ang nagrereklamo?” dagdag pa nito. “Masuwerte ka nga at may nag-aalok sa iyo ng gan’yan! Hindi lahat ay binibiyayaan ng ganoong oportunidad!” Sobrang liit na ng tingin ni

