"I'm sorry hija.." ito ang lumabas sa labi ni Mrs. Mildred Guerrero. Sya ang nagtangkang pumatay sa lola ko noon. Pero bakit ganun? Sa kabila ng galit ko sa kanya ay nakaramdam ako ng awa. Hindi na sya ang dating Mrs. Guerrero na nakilala ko noon. Nawala ang pagkasopistikada nya. Ang buhok nya ay nag-uumpisa nang maging puti. Matanda na sya. At parang mahina na. Sino ba naman ang hindi magpapatawad sa ganitong kalagayan nya? Ibinibigay nya sa akin ang dalawa nyang kamay. Tila ba humihingi ng isang yakap. Tumulo ang luha sa aking mga mata. Lumapit ako sa kanya at binigyan ko sya ng isang mahigpit na yakap. "Mapapatawad mo ba ako.. anak?" Sabi sa akin ng mommy ni Marcus Hinimas ko ang kanyang likuran na nagsasabing pinapatawad ko na sya.. nagulat ako sa pagtawag nya sa akin ng anak..

