Marcus Hindi ako umuwe sa aming mansyon nang gabing iyon. Sa condo unit ako dumerecho. Gusto kong mapag-isa.. gusto kong sarilinin ang lahat ng pagpapahirap ng tadhana sa akin. Doon ay mas lalo kong binuhos ang lahat ng nararamdaman ko... wala na nga kaming pag-asa ni Monica. Wala na!! Nang nasa aking kwarto na ako ay nanumbalik lahat ng masasaya naming alaala ni Monica at ito ang mas lalong nagpapabigat ng puso ko.. dahil kailanman ay hindi na yata namin mararanasan muli ang masasayang araw na iyon. Nakatulog ako sa kakaiyak. Pakiramdam ko nga ay natuyuan na ng luha ang mga mata ko. Ganito pala ang pakiramdam... gusto ko ng mawala ang sakit. Sana paggising ko ay wala na ang sakit na nararamdaman ko. Kinaumagahan. Umuwe muna ako sa mansyon. Ayaw ko mang umuwe at makita si mommy, per

