Napili si Anna na kumandidato bilang Presidente ng Junior High Student Council. Hindi ko alam kung ano ang nakikita ni Ms. Ferrer sa kanya. Malaki ang tiwala nya kay Anna. Pero baguhan pa lang ang isang ito sa mga ganitong bagay. Kumpara kay Veronica ay di hamak na mas magaling ito sa kanya. Nagkunwari na lang ako na gustong tumulong sa kanyang kampanya. Pero ang totoo ay naiinis ako dahil hindi bukal sa puso ko ang pagtulong. Gagawa ako ng paraan upang hindi sya manalo! (evil smile) Nag-iisip si Clark ng mga slogan para sa kampanya ni Anna. Pero ako. Hindi talaga ako nagsuggest ng kahit ano. Ayos na ang nandito ako sa tabi nila. Kunwari ay todo suporta ako sa kampanyang ito. Nang magsimula na kaming magpamigay ng fliers ay lumihis ako sa kanila.. pumunta ako sa isang malaking trash ca

