Monica Hindi ko alam ang isasagot ko kay Doc Vincent. Sya pala yung lalaking nagdala sa akin sa hotel nung lasing na lasing ako sa Seoul. Yes! Nagpakalasing ako nung iwan ako ni Marcus. I thought being drunk can lessen the pain. Pero sobrang sakit pa din nito. At aaminin ko hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Malinaw sa akin noon na may lalaking kumuha sa akin sa bar at dinala ako kung saan. Nung una ay akala ko si Marcus ang lalaking iyon. Pero I realized that he is a stranger nung pinangakuan nya ako na mamahalin nya at hindi nya sasaktan kapag nagtagpo ulit ang aming mga landas. Hindi ko iyon pinansin because I was so depressed, loving a man who doesn't love me back.. Pero ngayon.. I was amazed that there is a man who is willing to love me.. at iyon ay si Doc Vincent. Hindi ko

